04

728 29 6
                                    

Chapter Four

NAGLALAKAD na ako papunta sa dean office kasama 'tong ssg, pinag pilitan ko pa talaga kanina sarili ko na hindi ako nag palista.

Pero nakalista raw ako, paano nangyari 'yon?! Todo tanggi talaga ako kaso pinapunta nalang kami ni Ma'am Physics sa dean office para raw malaman ko kung nakalista ba talaga ako.

Kaya eto kami ngayon, papunta na ron. Nakakapagtaka na kasama ko sila Russel? Kahit takang-taka ay hinayaan ko nalang at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Doon ko rin naman malalaman sa dean office kung bakit ako nakalista e.

Nang makarating na kami sa harap ng pinto, kumatok muna 'tong kasama ko bago buksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang nakaupo na limang grupo at syempre ang dean sa school na 'to.

"So, you're Ms. Saelah?" napatango ako sa tanong ni Dean.

Napatingin ako sa pwesto ng lima na nakatingin sa akin, nakangiti nang malaki sina Krox, Ryle at Jacob.

Habang si Aziel naman ay nakangiti rin pero katamtaman lang samantalang si Russel na nakatingin sa akin na parang sinasabi na...

'They tell me to do it.' look.

Iniwas ko ang tingin sakaniya at humarap na kay dean. "A-ah, Dean... hindi po ako nag p-palista." utal na usal ko.

"But you're on the list." saad nito. "You are with Aces." dagdag nito na ikinalaki ng mata ko.

"Pero hindi po talaga ako sasali." alinlangan kong sagot. "P-pwede po bang mabawi 'yon?"

"Too late, the list is already submitted." saad nito na talagang ikinalaki na ng mata ko.

"B-but―." naputol ang saad ko nang marinig ang boses ni Ryle.

"It's okay, Saelah! Kasama ka naman namin." saad nito na ikinalingon ko sakaniya.

Pinanlakihan ko sila ng mata ko at talagang binigyan ko sila ng look na...

'Kayo nag lista sa akin 'no?'

Mukhang nagets nila yung tingin ko kaya sabay sabay nilang tinuro si Russel na nananahimik lang sa gilid.

Nangunot ang noo nito at tinignan sila nang hindi makapaniwala. "Don't accuse me." singhal nito.

"He listed your name on the paper." saad ni Jacob.

"Yeah, he did!" tango-tangong sang-ayon ni Krox.

Iling nang iling naman si Russel sa sinasabi nila. "No i'm not." diin na usal nito. "They said to me na ilista ka raw." dugtong nito.

Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa stress na naramdaman ko, mga pala desisyon sa buhay ko!

"What's your decision, Ms. Saelah?" muli akong napaharap kay Dean nang magsalita ulit siya.

Napatingin na naman ako sa pwesto ng lima na tinititigan ako na pumayag na, kasama ko naman sila.

Bahagya akong napakagat sa labi, ano pa bang magagawa ko? Kung tatanggi ako wala narin mangyayari kasi na submit na yung listahan, hindi na pwedeng baguhin 'yon.

Mukhang kakanta ako kasama nila, wala na akong choice.

Tinignan ko ulit si dean at kaagad na nag pakawala ng hininga.

"Yes, Dean. I'll join, wala na rin naman akong choice." saad ko.

Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ng hagikhikan at munting hiyawan, nang malingunan ko ay nakita kong nag aapiran pa yung tatlong tukmol samantalang yung dalawa na si Russel at Aziel ay nakangiti lang.

Shattered ChordsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ