05

913 44 21
                                    

Chapter Five

NAGLALAKAD na ako papasok sa school, ngayon ang unang araw na mag p-practice ako kasama ang Aces at talagang excited na ako sa magiging performance namin.

Kahapon ay hinatid ako ng mga Aces sa bahay ko pagkatapos ko silang pag hinalaan na mga kidnapers.

Tumanggi pa ako nung una dahil ayoko talagang sumabay at gusto ko talagang mag lakad kaso pinilit nila ako, halos hatakin na nga ako papasok sa loob ng van kaya hindi na ako umangal.

Nalaman tuloy nila kung saan ako nakatira na pinasawalang bahala ko lang.

Dumiretso ako sa room dahil baka mamaya pa ang practice namin, mag papa-attendance lang ako para aware ang mga kaklase ko na pumasok ako.

Pagkarating ko ron ay wala pa masiyadong tao dahil nga medyo maaga pa kaya pumunta ako sa upuan ko at nilagay ang bag ko bago umupo.

Matutulog muna ako habang wala pa sila at wala pa ang mga teachers.





NAGISING ako sa taong umaalog sa balikat ko kaya inangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin ang mukha ni Leo.

"Hinahanap ka ng Aces." sabi nito.

Napatingin ako sa unahan at nakitang may teacher na pala at lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin.

Nakaramdam kaagad ako ng hiya dahil bagong gising ako, mamaya may muta pa pala ako o kaya tulo ng laway diba.

"Ms. Saelah, you can go now." saad ng teacher. "You're excuse, the Aces is waiting you."

Agad nanlaki ang mata ko at napatingin sa bintana at nakita nga ang Aces don na bahagyang nakatingin din sa akin.

Kumaway pa sila Ryle, Krox at Jacob sa akin tapos mukhang nakita pa ng mga kaklase ko kasi bahagya pa silang nag tilian at nag bulong-bulungan.

Tumayo na ako kaagad at tinignan si Leo. Nginitian ko siya. "Thank you." he smiled at me and nodded.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at kinuha ang bag ko para lumabas, nag pasalamat pa ako sa teacher namin at tumango lang din siya bilang sagot.

Pagkalabas ko, nakita kong nakasandal sa magkabilang gilid sina Russel at Aziel, tapos nakatayo naman ang tatlo.

"Sorry sa paghihintay." nahihiya kong sabi.

Nakita pa nila akong bagong gising, nakakahiya kaya 'yon.

"Sarap naman ng tulog natin, Sae." saad ni Krox.

Natigilan ako dahil sa binanggit nilang name, gulat akong napatingin sakanila pero sinuklian nila ako ng ngiti.

Sae?

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang din ako sakanila.

"Ngayon naba tayo mag pa-practice?" tanong ko.

Sabay sabay naman silang tumango. "Let's go, para makapag umpisa na tayo." usal ni Russel kaya naman nag lakad na kami palayo sa room namin.

Shattered ChordsWhere stories live. Discover now