Five.

38 2 0
                                    

Lies and truth...

---

LISA'S POV

Pagtapos ng ilang oras ay umuwi na din ako, kanina pa kasi ako kinukulit ni Daddy. Si IU naman ayon nauna nang umuwi, may im meet daw sya na kaibigan. Tss, gusto lang maggala nagdahilan pa.

"Ma'am Lisa nandyan kana pala" bungad ni Mang Ben, sya ang hardinero namin.

"Yeah, si Daddy?" Tanong ko nang makababa ng kotse.

"Ah nandon po si Sir sa loob" sagot nya naman at pinagpatuloy ang pagdidilig sa mga halaman.

Sa pinto palang ng bahay ay rinig ko na ang malalakas na tawanan nila Daddy at ng kung sino. Dumiretso ako sa sala at nandon nga si Daddy kausap ang matangkad na lalaki, hindi ko makita ang muka nya dahil nasa likuran nila ako.

"Dad" sabi ko na nakapagpaharap sa kanila. Wait? S-si?! Si Kuya Kookie?! Bahagya akong napatulala nang humarap silang dalawa. Si Kuya Kookie, ang kuya ni Chaeng sa panaginip ko. The hell it happened again.

"Oh hija, buti naman at umuwi kana. Halika may ipapakilala ako sayo" bungad ni Daddy at lumapit sa akin saka ako hinila palapit kay Jungkook, habang ako? Nakatulala lang sa kanya habang ngingiti ngiti syang nakatingin sakin.

"Kook, sya yung nak kwento ko sayo. My daughter, Lalisa Manoban" pagpapakilala sakin ni Daddy.

"Hindi nga po kayo nagkamali, maganda sya. Btw, I'm Jeon Jungkook" pagpapakilala nya naman saka inilahad ang kamay. Napatingin pako saglit sa kamay nya saka nakipagshake hands.

Halos hindi ko na nga bitawan ang kamay nya dahil hindi ako makapaniwalang bumalik si Kuya Kookie.

"So, I hope maging magkaibigan kayo. Lalo na't magiging magkatrabaho kayo" dagdag pa ni Daddy. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ibig sabihin makakatrabaho ko sya?!

"What do you mean, Dad?" Tanong ko at seryosong napatingin sa kanya.

"Ah hija, I hired him as a model" sagot ni Daddy.

"Model?! Hindi naman natin kailangan ng m-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Daddy.

"Hija, remember unisex yung brand collections natin? At isa pa, laos na yung mga male models natin" pagpupumilit nya. Hindi nalang ako sumagot at nakakunot ang noo na umalis.

"Pasensya na, ganyan talaga yang anak ko. Nakakatakot pero pag naging close kayo, mag iiba din yan" rinig ko pang sabi ni Daddy, natawa naman si Kookie sa sinabi nya. Tss.

Agad akong sumalampak sa kama at kinuha ang phone ko, naalala ko kasi si Tacku, nakakamiss din sya minsan. Angdaming nagchachat sakin, yung iba taga ibang bansa pa at yung iba tungkol sa company, pero walang new message galing kay Tacku. Ano naman kayang pinagkakaabalahan nya ngayon? Sinubukan ko pa syang tawagan pero cannot be reach.

"Babe? Busy ka? Imissyou" nag iwan nalang ako ng message sa kanya mababasa nya din naman yon. As usual sa kwarto lang ako, nakahiga, nakatingala sa kisame, nag iisip ng kung ano ano.

Hindi ako kaagad natulog dahil gusto kong malaman kung yung 11:11 talaga ang dahilan ng mga nangyayari. What if? Bumalik si Jen?

Bahagya akong napabangon sa pagkakahiga nang mapansin kong tumigil na ang paligid. 11:11 na! Sumulpot na ang puting pinto sa harap ko at hindi nako nagbagal pa at kaagad na pumasok sa kwarto.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon