Thirty.

21 1 0
                                    

Uncertainty...

---

LISA'S POV

"Mga anong oras po kayo makakarating sa friday?" Tanong ni Seulgi sa kausap nyang magdedeliver ng mga pa cater na pagkain.

"Gusto sana namin, mga 3pm para nakaready na bago matapos yung wedding" sabi naman ni Irene.

Nandito kasi kami ngayon sa bayan at namimili ng mga gamit, pati na pagkain. Since pinuntahan namin yung catering service na kausap nila Seulgi ay namili na din kami.

"Babe, tignan mo bagay ba to sakin?" Tanong ni Nancy habang nakaharap sa salamin at sinusukat ang isang floral dress.

"Oo, mas tumingkad pagkaputi mo" sabi ko at nakatingin lang sa kanya habang namimili.

"Hindi pa ba kayo tapos jan?" Singit naman ni Seulgi bitbit ang ilang supot ng pinamili nyang prutas.

"Teka lang, namimili pa nga e" sabi naman ni Nancy at naghalwat pa sa mga nakasampay na damit don.

"Osige bilisan nyo, hintayin nalang namin kayo sa kotse" paalam nila Irene at nauna nang maglakad.

"Babe? Ano bibilihin mo ba?" Tanong ko sa kanya nang binitawan nya ang damit. Hindi naman na sya sumagot at agad akong hinila.

"Oh bakit?" Tanong ko at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.

"Ang mahal" nakabusangot nyang sagot na nakapagpatawa sakin.

"Dapat sinabi mo, ako nalang sana nagbayad" sabi ko. Agad naman syang nahinto at hinila ako pabalik para bilihin yung dress na napili nya. Pfft, hindi talaga papaawat.

...

"Antagal nyo naman tas yan lang pinamili nyo?" Natatawang sabi ni Seulgi nang makasakay kami sa kotse.

"Pshh, magdrive ka nalang" sabi naman ni Nancy at ngingiti ngiti pa habang sinisipat ang damit.

Nagsimula na ngang magdrive si Seulgi pabalik sa resort, habang si Nancy ay nakatulog na sa balikat ko at si Irene ay tahimik na nagkakalikot ng phone nya.

"Btw Seul? Pano pala yung gown na pinagawa nyo? I mean yung exclusive design from MNN" tanong ko nang maalala ko ang tungkol sa deal namin.

"Ghadd oo nga pala, yung about sa deal. Bigla kasing nagbago yung plan" sabi naman nya at napatingin pa sakin mula sa rear view mirror na nasa harap.

"Its okay, para atleast pag may nagpagawa may nakareserve na" sabi ko at napatingin nalang sa bintana.

"Or isave mo nalang, feel ko naman may next nang ikakasal pagtapos namin" natatawang sabi ni Irene kaya't napakunot ang noo ko.

"Sino love? Sila Kai?" Tanong pa ni Seulgi at natawa.

"Maybe, pero hindi naman papayag yon si Chu na mauna pang ikasal yung kapatid nya kesa sa kanya"

"I think so, and besides parang aso't pusa yung dalawang yon HAHAHAHA"

rinig kong pag uusap nila habang nagtatawanan. So, lagi pala silang nag aaway?

"Or baka naman, sila Nancy at Lisa na ang susunod na ikakasal" rinig kong sabi ni Irene kaya't agad akong napaharap sa kanila.

"K-kami?" Tanong ko at napatingin pa kay Nancy na tulog pa rin hanggang ngayon.

11:11Where stories live. Discover now