Twenty six.

23 1 0
                                    

Clues...

---

CHAENG'S POV

Habang nakasakay sa elevator ay tahimik lang kaming naghihintay na makarating sa parking area, habang rinig na rinig ang pag uusap nila Nancy at Lisa sa phone.

"Hello? Oo, pababa na ako. Hintayin mo nako jan" sabi pa ni Lisa at pinatay ang tawag.

"May date kayo?" Tanong ko, agad naman syang napaharap sakin.

"Oo" tipid nyang sagot.

Hindi naman na ako nagtanong pa at lumabas na ng makarating kami sa parking area. Kitang kita pa namin si Nancy na kumakaway mula sa malayo.

"Ewan ko ba, pero ang panget ng relasyon nila no" bulong ni Sana na nasa likuran.

"Sinabi mo pa, parang may mali" sabat naman ni Dahyun. Natawa nalang ako dahil sa panglalait nila sa dalawa e sila nga tong wala pa ring jowa.

"Tara na?" Nakangiting salubong sa kanya ni Nancy.

"Sige, guys una na kami" paalam pa ni Lisa at tuluyang umalis.

"Nyenyenye, tss. Kanina kala mo di maipinta muka porket nandyan jowa nya" nakasimangot na sabi ni Jen, kanina pa to galit na galit kay Lisa, pfft.

"Oh akala ko ba okay na kayo?" Natatawa kong tanong.

"Anong okay! Hindi na kami okay ngayon" inis nyang sabi at tinarayan pako.

Magsasalita pa dapat ako nang bigla kong maramdaman na nagvibrate ang phone ko kaya agad ko yong tinignan.

Unknown number;

- check my gifts, surely it'll suit you.

Wtf?! S-sya nanaman! Nablock ko na yung isa nyang number tapos may bago nanaman?! Ano bang problema nya sa buhay bat ayaw nya akong tantanan. Di pako sikat tas may stalker nako!

Akmang itatabi ko na ang phone ko ng bigla pa yong magring. 'Unknown number calling' hindi nako nagdalawang isip pa at agad na nireject ang tawag saka pinatay ang phone ko.

"Chaeng? Okay ka lang?" Tanong ni Chu na mukang napansin na aligaga ako. Tumango lang ako at saktong dumating na din sila Kai.

"Sorry ngayon lang kami nakarating" bungad ni Kai at bumaba pa ng sasakyan saka pinagbuksan ng pinto si Jen.

"Jen dito kana sumakay" sabi din ni Tata at pinagbuksan si Jen ng pinto sa likuran.

"Ano ba yan! Pati ba naman sa uupuan ni Jen pinagtatalunan nyo pa rin" nakabusangot na sabi ni Chu. Natawa naman sila Dahyun at Sana sa dalawa nang sa iba naupo si Jen.

"Chu mah labs sakay na" pabiro kong sabi at binuksan ang pinto.

"Yiee, kayong dalawa ha" biro naman ni Sana at agad kong binatukan nang tuluyang makasakay si Chu.

"Dun kayo sa likod" sigaw ko pa at sinarado ang pinto ng van.

Habang nasa byahe ay hindi mawala sa isip ko ang stalker ko na yon, natatakot nako sa kanya. Mamaya magulat nalang ako na biglang may humila sakin mula sa kung saan. Pano kung mag isa lang ako tapos bigla nalang akong kunin ng isang van! Hindi pwede.

"Gutom na ba kayo? Libre ko kayo" rinig kong sabi ni Kai na nagd drive pa ngayon.

"Libre mo?!" Gulat kong sabi at napasipat sa tyan ko. Gutom nako e.

11:11Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang