Forty two.

21 1 0
                                    

Sick...

---

LISA'S POV

Isang buwan na din ang nakalipas at masasabi kong marami nang nagbago sa mga bagay bagay, tulad nalang samin ni Jen. I don't really know how it all started pero nagising nalang ako na isang araw na iba ang pakikitungo nya sakin.

We even do sweet stuffs, like couples did. Its kinda weird minsan na may jealous moments din kami. But its fine, the thing I just really want to know is 'ano ba kami?' Para lang kasi kaming friends with benefits. Or landian na walang label.

"Bakit hindi si Nancy sinayaw mo?" Nabalik ang atensyon ko kay Jen na nasa harap ko ngayon.

"Ayaw nya magsayaw e" sagot ko at napangiti.

"Edi kung payag pala sya sasayaw talaga kayo?" Nakataas ang kilay nyang tanong kaya't napaismid nalang ako.

"Maybe?" Biro ko at natawa ng mahina. Agad naman syang sumimangot sabay walk out. Aish, di talaga to makakuha ng joke.

"Teka! Nagbibiro lang e" tawag ko sa kanya habang nakabuntot sa likuran nya at natatawa.

Nang makabalik kami sa table ay saktong nag umpisa na nga ang party.

"Guys? Si Nancy?" Tanong ko kila Sana na panay ang pagkain.

"Kasama ni Tita, ewan namin may pag uusapan yata" sagot nila na busy pa din sa pagkain. Tumango tango lang ako habang si Jen ay halos kumunot na ang muka dahil sa tanong ko.

"Oh bumalik pa kayo? Kala ko wala na kayong balak e" tatawa tawang bungad nila Irene na may dalang mga pagkain.

"Jen, di ka pa ba kakain?" Tanong ni Chu na kakaupo lang din.

Akmang magsasalita na sya nang sumabat ako sa usapan nila.

"Hindi muna daw, may pupuntahan kami e" nakangiti kong sabat. Agad namang napatingin sakin si Chu na nakakunot ang noo.

"Chu, peram muna kay Jen haa" paalam ko at mabilis na hinila si Jen, saktong wala si Nancy kaya makakapagsolo pa kami. Hindi naman na nakasagot si Chu.

"San ba tayo pupunta?! Kung hahanapin lang natin si Nancy, kaya mo na yan mag isa" pagsusungit nya habang nagpapatianod sakin.

"Pshh, selos ka don?" Pabiro kong tanong, hindi sya sumagot at kaagad na kinurot ang tagiliran ko. Aish.

"Tara na nga! San ba tayo pupunta!" Inis nyang sabi at nauna pang maglakad sakin.

"Hindi jan! Nangunguna kasi hindi naman alam" Sigaw ko nang akmang liliko sya. Hinila ko sya sa emergency exit at umakyat sa 2nd floor saka kami nag elevator paakyat.

Madami kasing tao malapit sa elevator sa baba at siguradong madaming makakakita samin.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong nya pa. Hindi ako sumagot at hinintay nalang na makaakyat sa pinaka rooftop ng building.

Sa pagbukas ng elevator ay bumungad samin ang tent na nakalatag, may pagkain din at inumin. Para lang kaming magcacamping.

"A-ano to?" Taka nyang tanong.

"Rooftop to" pilosopo kong sagot, dahilan para hampasin nya ako sa braso.

"Isa pang pilosopo mo di mo nako makakausap" pananakot nya nang maglakad.

"Isa pang panaket mo di ka makakatayo bukas" natatawa kong sagot sa kanya kaya't agad syang napaharap sakin at tinaasan ako ng kilay. Halata pa sa muka nya ang pamumula ng pisngi kaya't mas lalo akong natawa.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon