2

397 15 0
                                    

Me and My Lady Boss

Chapter 2

"Para, Kuya!" Sabi ko sa jeep nang matanaw ko na ang waiting shed ng Brgy. namin. Agad din namang inihinto yun ni Kuya. Bumaba na rin ako nun.

"Iced Matcha for you!" Sabi ni Nathan pagka baba ko.

"Salamat." Sabi ko Saka kinuha yun at ininom. "Uy! Sarap ng timpla mo today ah." Sabi ko nang malasahan ko na ang binigay nito.

"Oo naman. First day mo ngayun sa trabaho mo Eh." Sabi nito Saka tiningnan ako maigi. "Pero Uy! Mukha kang malungkot, diba, dapat masaya ka?" Sabi nito. Btw, kababata ko si Nathan and nag tatrabaho ito sa isang cafe dito lang din sa Marilao.

"Hai, Oo, dapat masaya ako... kaso...." then we started to walk. "Ang palpak ko today, Nate." Sabi ko Saka nag sip uli.

He tapped my back.

"It's okay, babe, normal lang yan sa first day ng trabaho." Yep, babe ang tawag nito sakin, One time kasi nung high school kami, merong grupo ng mga lalaki na nangungulit sakin sa labas ng eskwelahan, Buti nalang dumating si Nathan, tinawag niya akong babe at nag Panggap na bf ko Kaya tinigilan ako ng mga lalaki.  Hanggang ngayun ay yun parin ang tawag nito sakin, for protection. "Next time, Anong gusto mong flavor? matcha pA rin ba?"

"Hmmm... Vanilla Latte naman." So yep, lagi nito akong dinadalhan ng inumin sa tuwing umuuwi ito, siguro, mga twice or thrice a week.

"So kumusta yung idol mo?"

Of course, she knew about my admiration to Gabrielle Samantha Uy.

I sighed again.

"Yun nga eh. Feeling ko ang palpak ko sa kanya, baka tanggalin pa niya ako bukas." Sabi ko.

"Hala! Edi mabuti!"

Tiningnan ko sya ng masama. Si Nathan ang unang humadlang sa pag a apply ko sa company ni Gabrielle Uy.

"Di mo na kelangan magising ng 4 am. At bunyahe ng halos dalawang oras papunta sa Makati. Hai. Hindi ko talaga maintindihan bakit dapat jan ka mag trabaho eh."

"Eh kasi nga company yan ng nag iisang Gabrielle Samantha Uy!"

"Jusko! Ang OA na ng pag a idol mo jan sa Gabrielle Uy na yan ha! Dun ka nalang mag trabaho Sa Quezon! Malapit pa dito sa Marilao!" Sabi nito.

I sighed. "Hayaan mo na kasi ako, ganyan talaga kapag alam mo yung gusto mong gawin sa buhay. Okay lang mag sakripisyo. Ikaw? Yung pag ba bar tending mo ba hanggang cafe lang? Baka naman cruise ship jan oh." Sabi ko.

"Nag a apply naman ako eh, di lang talaga pumapasa." Sabi nito.

Then napahinto kami nang makita namin si Arrianne sa labas ng gate ng bahay ko. Naka upo ito sa sidewalk at umiiyak.

"Bes!" Agad takbo ko dito. "Uy! Napano ka?"

Then tumayo ito at niyakap ako. "Bes, break na kami ni Gerald." Sabi nito habang umiiyak.

"Tahan na." Sabi ko naman.

"Hala. For real?" Sabi naman ni Nathan.

Agad ko syang dinilatan. Gago kasi, alam namang umiiyak si Arrianne, tutuksuhin pa. Ah btw, this is Arrianne, my bestfriend, actually, tatlo kming mag kababata, ako, si Arrianne and ang bully na si Nathan.

"Tahan na, Bes. Di niya deserve yung iyak mo." Sabi ko habang tinatap ang shoulder nito.

"Oh sya mauna na ako. Lulutuin ko pa tu eh." Sabi ni Nathan, May dala kasi itong mga supot, siguro namalengke ito kanina sa talipapa, bago ako antayin kanina sa babaan ng jeep.

Me and My Lady BossWhere stories live. Discover now