17

405 14 11
                                    

Me and My Lady Boss

Chapter 17

Back to reality. Back to work.

Saka tumingin ako kay Miss Gab na nag didiscuss sa harap, nasa weekly meeting kami ngayun at nag bibigay ito ng final instructions tungkol sa launching ng app this Friday.

"Okay! Let's do it, Team!" Sigaw nito Sabay palakpak.

Agad din namang nag sitayuan na ang mga kasama ko, yep, back to work.

"Grabe energy ni Miss Gab today, parang naka pag energize sya nung Sunday Kahit na ginabi na kami nung sabado." Sabi ni Iris habang nada pantry kami at nag kakape. Mukhang kulang pa rin ito sa pahinga.

Napangiti din naman ako nun, knowing na magkasama kaming dalawa buong araw kahapon.

"Sana all nga. Baka nag sex therapy sya kahapon! Ayeee!" Sabi naman ni Jericho.

Napatingin naman agad ako rito.

Sex therapy?!

Tsk!

Nag giggle naman nun Iris at Shayne.

"Baka nga, Girl!" Sabi ni Shayne Sabay apir kay Jericho.

"Hai! Kayo talaga! Pinag iisipan niyo nanaman si Miss Gab ng kung anu Ano?!"

Then Tumawa ang mga ito. Then I looked at Miss Gab na nasa table ni Sonia, May dinidiscuss ito dun.

"Oh' Bakit ikaw?! Kumusta ka naman, dinig ko hinatid ka ni Clark!" Tukso din naman ni Jericho sakin.

"What?! Really, gurl?!" Sabi naman ni Iris sakin.

Hai! Oo nga pala, May mga naka kita nga pala saming dalawa nung sabado.

So, pano ko ba sasabihin sa mga ito na hindi talaga si Clark ang kasama ko nung Saturday?

Hai!

Knock Knock!

"Speaking of." Sabi naman ni Shayne Sabay ngưso sa pinto ng pantry. Nandun si Clark, naka tayo, at May hawak na J.Có Donuts.

"Hi, Morning!" Bati nito.

Nginitian ko naman ito.

"Ahm. Naisip lang kita kanina nung bumili ako ng donut." Sabi nito sakin Sabay abot ng isang solo box sakin. "Nag assume na ako na Alcapone din ang fave mo."

Then tiningnan ko ang laman ng box, AlCapone nga.

"Ah.. eh..."

"Hindi ba?"

Actually.... Hindi. Sa totoo lang. Allergic ako sa Nuts and Some kinds of tree nuts like almonds.

I smiled. "Thank you. Nag abala kapa."
Sabi ko nalang Sabay kuha dito. 

Then ngumiti ito. "No problem." Sabi nito Saka umalis na.

"Ayieee! Ang sweet naman!" Tuksong mga ito.

"Ewan ko sa inyo! Sige na! Balik na ako sa table ko." Sabi ko Saka dinala ang mug ko. Nag lalakad na ako pabalik nun sa table ko nang mag kasabayan kami ni Miss Gab.

At tulad ng usual self nito sa kompanya, nag mumukha nanaman akong hangin kapag di niya ako kailangan.

Sighed.

Then bigla itong huminto Saka lumingon sakin.

Labdab labdab labdab.
💓💓💓💓💓💓💓💓

Me and My Lady BossWhere stories live. Discover now