6

229 12 0
                                    

Me and My Lady Boss

Chapter 6

(Gabrielle's POV)

Earlier.

6:15 am.

My head still hurts when papa called. Hangover + migraine from yesterday dahil hindi ako nakapag kape.

Papa: your company is slowly going down, Samantha! We saw your records, inuubos ng iPop U ang kita mo!

Napakunot noo ako, pano nalaman ni PaPa ito? Yep, bumababa na nga ang sales ng iPop U mula pa last year, ang WeShare nalang ang  tanging sumasalba sa kompanya ko.

"No it's not." I lied.

Papa: you can't lie to me, Gabrielle Samantha! I have eyes!

Fuck! "Chill, mababawi  ko din yang losses ko sa iPop U."

PaPa: I bet, in 6 months your company will bankrupt kung ipag patuloy mo pa yan. Mas malaki ang kain ng iPop U kesa sa WeShare.

I admit it, mas invested ako sa iPop U, well, you can't blame me, ito ang unang app na pinroduce ko, ito din ang naging inspirasyon ko para itayo ang kompanya ko, in other words, ang iPop U ang rason ng success ko, even though mas sumikat nation wide ang WeShare.

"I can handle this Papa." That's the reason why I kept on finding investors for iPop U hai.

Papa: why don't you marry Keneth. The Pentagon will invest in iPop U in exchange.

Ah! He's still at it! "Goodness, ganun ka talaga ka seryoso na ipakasal si Keneth sakin."

Papa: for your company. Yes. And this is the least thing you could do for Pentagon... and me.

Ah Hindi dahil anak niya ako! So. No way! Kahapon, gusto niyang ipasara ang kompanya ko, ngayun hahaha mag I invest sya para pakasalan ko si Keneth kasi yan lang daw ang pwede kong gawin sa Pentagon at sa pride niya! Ah kaya masyado syang invested sa thought na maging mag asawa kami ng paborito niyang Vice Chairman ng Pentagon, well, yes, of course, he loves Keneth, magaling nga naman kasi eh.

"I gotta go, Papa, talk to you later." Sabi ko saka inend ang call.

I know he loves Pentagon more than me and mama, pero tama ba na bigla bigla nalang niya akong ipakasal kay Keneth?! And also I knew na merong kasunduan ang Lolo ko at lolo ni Keneth, pero, sino pA ba sa mga panaHồng ito ang sumusunod sa kasunduan tulad niyan! It's already 2023! Come on!

Then an idea suddenly flashed on my head. Kaya agad akong napatayo at napakuha ng laptop. I have to show him that I can bounce back in my own. Also, I don't want to marry someone na parang kapatid na ang Turing ko. I can do something for Pentagon Pero not by marrying someone i don't love. 

——-
——
—-

-

(Patricia POV)

Present.

Binabago namin ngayun ang ibang codes ng iPop U, she  finally decided to change and pull out some restrictions. Hindi na ito limited only sa nga estudyante, kundi, open na ito sa lahat. It will also be named as the iPop U Next Level. Saka, pwede ka nang mag live dito at mag laro whereas you can earn some points and convert it to money.

Hm. Exciting nu.

Bumababa na kasi ang sales ng iPop U app. Sa pagkakaalam ko, ang iPop U ang unang app na dinevelop ng iCos kaso mas sumikat ang WeShare, limited lang kasi sa universities and/or students ang iPop U. Kaya talagang mataas ang risk na tinitake ni Miss Gab sa bagong version na tung iPop U, hopefully maging successful Sana.

Me and My Lady BossWhere stories live. Discover now