CHAPTER 20

2 0 0
                                    

ISANG MALAKAS NA SIGAW ang nagpagising kay Sieraj. It’s been days since her arrival in the Philippines. Hindi niya alam ang buong pangyayari pero pagdating nila Yakiro ay nakita niyang may mga pasa sa mukha ang ibang lalaki. Lalong-lao na si Ashiro. She didn’t ask questions since she can sense their annoyance. So she stayed quiet.

Napabalik sa kasalukuyan si Sieraj nang may biglang tumabi ng higa sa kanya. She groaned in annoyance and hid under the blankets. Ang ayaw niya sa lahat ay isturbohin siya sa tulog niya.

“Wake up, Sie. Rise and shine.”

Someone pulled the blankets but she pulled it back. Tumagilid siya ng higa at nagtalukbong.

“Leave me alone. I want some sleep,” she groaned and closed her eyes to sleep again.

Nagkatinginan si Sariah, Ryouji, at Kyouri na siyang pumasok sa kwarto ni Sieraj. The three of them hold the blanket and pulled it with force.

Napabalikwas si Sieraj at lumingon sa pwesto nila habang nakasarado ang kaliwang mata niya. She’s still sleepy as it is pero heto’t may mga disturbo sa tulog niya.

“Come on, bangon ka na. Kanina pa nakahanda ang agahan at ikaw na lang ang kulang.”

Sieraj sleepily scratch her cheeks and was forced to get out of the bed. Hinanap niya ang pantali at itinali ang buhok. She went out of her room first while the three followed her.

“You can eat first naman. Bakit niyo ‘ko hinintay?”

Sariah rolled her eyes. “Duh. S’yempre, sanay na kaming kumain ng sabay-sabay. Unless when one of us is busy then ‘yan lang ang time na hindi kami sabay.”

Sariah hopped happily towards her sister and encircle her arms on her shoulder. Inignora naman ito ni Sieraj at naglakad papunta sa hardin.

As far as she knows, dito sila kumakain kapag naisipan nilang kumain ng sabay. Hindi naman niya alam kung bakit palaging dito sa bahay ng mga magulang niya naisipan nilang kumain. Well, it’s none of her business, anyway.

“Anong oras na pala ngayon?”

Tumingin si Kyouri sa relo niya, “it’s 8:30, Sie.”

Tumango si Sieraj at nadatnan ang mga Uncles at Aunties niya, mga magulang niya, mga kapatid niya, at mga pinsan niyang nagtatawanan. Hindi niya inaasahan na hihintayin talaga siya ng mga ito.

She cleared her throat and all eyes are on here. Pasimple siyang ngumiwi at tumabi ng upo kay Airo. She greeted them ‘good morning’ and stared at the plate in front of her.

“This is new. You don’t usually overslept.” Napatingin si Sieraj kay Airo na pangisi-ngisi sa kanya. Binigyan naman niya ito ng peke na ngiti.

“Well, thanks to certain someone,” saad niya at binigyan ng tingin ang kambal, “I slept late. Wala naman sa plano ko kagabi ang manuod ng movie kung hindi lang ako hinatak ng dalawang ‘yon na parang pinaglihi sa kabote. Bigla nalang sumusulpot tapos manghahatak.”

Binigyan niya ng masamang tingin ang dalawa na umiwas sa mata niya. Tumawa naman ang ilan dahil sa reklamo niya.

“Mga pasaway,” sabi ni Akira at binigyan ng batok ang kambal. “Sabi ko naman sa inyo na huwag niyong puyatin si Sieraj. Nasanay na ‘yan na matulog ng maaga.”

Umangal naman ang dalawa. “Minsan lang naman, Ma.”

Napailing si Akira sa dalawa niyang anak. Hindi niya alam kung saan nagmana ang kakulitan ng mga ito.

“Why don’t we just eat? Kumpleto naman na tayo,” suhestiyon ni Alessandra at ngumiti. Sumang-ayon naman ang iba.

The maids started to serve the dishes for their breakfast. Sieraj knew she shouldn’t be surprise because it wasn’t her first time seeing they served so many dishes on the table but she can’t help to be surprised the second time. Muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang tubig. Mabuti nalang ay napigilan niya.

Hidden IntentionWhere stories live. Discover now