CHAPTER 25

3 0 0
                                    

"Ayoko na. I concede!"

Napangiti si Sieraj at pinagpag ang damit niyang ngayon ay nadumihan na. Tiningnan niya ang kambal at si Akihito. They were all gasping for air, their hair are disheveled because of their fight, and their shirts got dirty. Napatingin siya kay Ryouji na nakadapa at puno ng pasa ang braso, same with Kyouri.

"Ang liit-liit ni Sieraj tapos kayong mga barako matatalo lang sa kaniya? Ha, this is way more interesting than those boring MMA fights." Ngumisi si Airo at tiningnan ang mga kapatid niyang matatalim ang mga matang lumingon sa kanya.

Lukot naman ang mukhang lumingon si Sieraj kay Airo. "I am not small, Kuya Airo. Sadyang pinagpala lang talaga kayo ng katangkadan kaya kayo mas matangkad pa sa akin. I am a freaking 5'12," nagpipigil ng tawa si Ryouji at Kyouri kaya naman ay lumingon si Sieraj sa kanila na naniningkit ang mga mata. "Don't you dare laugh, you two. Baka gusto niyong dagdagan ko pa ‘yang mga pasa sa katawan niyo? I am still pissed off."

Kaagad na umayos ng tayo ang dalawa at umiling-iling kay Sieraj. Takot lang nilang mabugbog ulit.

Sieraj puffed a breathe and looked at her dirty shirt. Sana na lang pala hindi na ako nagsuot ng puti na damit. Ayan, ang dumi na.

"I have some spare clothes, Sie. Gusto mong magpalit?"

Napalingon si Sieraj kay Shalani nang mapansin nitong problemado siya sa madumi niyang damit. Walang pag-aalinlangan na tumango si Sieraj.

"Yes, please."

Shalani gestured her to follow, kaya nilampasan niya lang ang mga pinsan niya at tahimik na sumunod kay Shalani. Hindi niya pinansin ang mga matang nakatingin at nakasunod sa kaniya. Dire-diretso lang ang tingin niya at hindi lumilingon.

"Wala siguro ‘to sa plano mo, ‘no? If you have planned this ahead of time, you could've brought with you some spare clothes." Panimula ni Shalani.

"Yes. Ang plano ko lang naman ay ang bisitahin kayo. Hindi ko naman alam na maiinis ako. If I should've known, I would have brought some spare clothes," sagot niya.

"Why were you pissed, anyway? Hindi ko alam na marunong ka palang lumaban."

"Just a self-defense, Sha. Tinuruan ako nina Uncle Alfonzo at ang iba kong pinsan. Sinabi nila sa ‘kin na para lang din naman sa kaligtasan ko ang pagtuturo nila sa ‘kin. It was just basics, though. Mabuti na lang at enrolled ako sa martial arts class noon, kaya madali lang sa ‘kin ang matuto." Mahabang saad niya at ngumiti. "And to answer your first question, I'm pissed because Kuya Kael is testing me."

Nagtatakang lumingon si Shalani sa kaniya. "Testing you? What do you mean?"

Sieraj just shrugged and stayed silent. Shalani didn't pushed it further. Pumasok sila sa isang gusali na ikinamangha ni Sieraj. Hindi niya nakita itong building no'ng nakarating sila. Ngayon niya lang ito napansin.

"May building pala dito? Ngayon ko lang napansin," namamanghang sabi ni Sieraj.

Shalani chuckled and smiled at her. "Welcome to the Headquarters, Sie," nangingiting saad ni Shalani sa kaniya.

"Headquarters," bulong ni Sieraj sa sarili at hindi niya mapigilang suminghap. "Headquarters? You mean, this is the headquarters? Hindi ka nagbibiro?" Hindi mapigilang tanong ni Sieraj.

Napatawa si Shalani sa kanya dahil para itong bata na tumitingin sa loob ng headquarters. There are a lot of people going in and out of the elevator. Some of them are wearing black suits, while some of them are wearing an all black outfit with the logo at the back of it.

"Okay lang ba na pumasok ako dito? I mean, hindi naman siguro ako mapaparusahan, ‘di ba? I am a nobody," natatakot na usal ni Sieraj kay Shalani at hindi niya mapigilang dumikit dito nang pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden IntentionWhere stories live. Discover now