CHAPTER 24

3 0 0
                                    

"This is so boring, Kuya. Kanina pa ako nandito para makipag-bonding sa ‘yo pero nagbabasa ka naman. Ano bang iba kong pwedeng gawin dito sa condo mo?"

Napatigil si Vaughnn sa pagbabasa at nilingon ang kapatid niyang nakasimangot at nakahiga sa sofa habang yakap-yakap ang isang unan. Bumuntonghininga siya at isinarado ang librong binabasa. He took off his glasses and focused his attention on his sister.

"Sinabi ko bang pumunta ka dito?" malamig niyang tanong sa kapatid. Ngumuso si Aviana sa kaniya.

"Kasi naman, eh. May practice si Ariana ngayon tapos si Mama naman may trabaho. Si Lolo at Lola nasa probinsya, inaasikaso ang hacienda. Saan pa ba ako pupunta, edi sa ‘yo. Ang tahimik kaya sa bahay, ako lang mag-isa do'n, baka masiraan ako ng bait."

Vaughnn sighed at her whining. Inilagay niya ang librong binabasa sa coffee table at tumayo. Nagtataka namang sinundan ng tingin ni Aviana ang kapatid na dumiretso sa kwarto at pumasok do'n.

"Anooo? Iiwan akong mag-isa dito at magkukulong siya sa kwarto niya? Gano'n?" Sumimangot siya at inis na humiga lang sa sofa. She stared at the ceiling but then she heard her brother's room door opened and then closed.

Bumangon siya ng bahagya at tiningnan ang kapatid niya. Nagbihis ito ng damit at nagtaka naman siya nang nakita niya itong bihis na bihis. Ano? Iiwanan ako, gano'n? Aba, hindi na lang sana ako pumunta dito, isip-isip ni Aviana at tiningnan ng masama ang kapatid niya.

Napansin naman ni Vaughnn ang tingin ni Aviana kaya lumingon siya at nakitang nakatingin ito ng masama sa kanya.

‘What?' he mouthed.

"Ang daya. Iiwanan mo ako ng mag-isa dito?"

Vaughnn shook his head and went to the sofa. "Bumangon ka. Ipapasyal kita."

Nagliwanag ang mga mata ni Aviana sa narinig. Dali-dali siyang bumangon sa pagkakahiga at pumasok sa kwarto ng Kuya niya. Kumuha siya ng jacket nito at kinuha na rin niya ang tote bag niyang nakahandusay sa kama. Lumabas siya at ngumiti ng malawak kay Vaughnn.

Vaughnn eyed the jacket she was holding. "That's my jacket."

"Let me borrow this one, Kuya."

Vaughnn sighed. "Borrow?" he scoffed. "There's no such word on your vocabulary, Aviana. Hindi na ako magtataka kung aangkinin mo ‘yan."

Kumurap si Aviana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kapatid niya. "Judgemental ka masyado, Kuya. Hihiramin nga, anong aangkinin?"

Vaughnn combed his hair and flicked his sister's forehead. "I am not judgemental. What I said is true. You're planning on bringing that with you. You're not borrowing that one."

Aviana rolled her eyes and gently combed her hair. "Oo na, oo na."

Vaughnn smirked and then he twirl the keys on his fingers. "Come on. Alis na tayo. Where do you wanna go?"

Aviana excitedly went out of the condo and smiled widely at his brother. "Let's go shopping." Hyper na sabi ni Aviana na nakapagpailing kay Vaughnn.

I can't stop her if she's this energetic.

🔹🔸🔹🔸

"Why are we entering the forest, anyway? I thought we're going to where Shalani is?" nagtatakang tanong ni Sieraj kay Yakiro. The latter didn't answer and just manuevered the motorcycle to where the parking spot is.

Nalilitong tumingin si Sieraj sa paligid nang huminto si Yakiro sa tabi ng mga sasakyan. Nasa kagubatan pa rin sila pero nakakapagtaka dahil may mga naka-park na mga kotse at motor do'n. Sieraj can't help but to be suspicious.

Hidden IntentionWhere stories live. Discover now