3

48 2 1
                                    

Ilang araw na rin simulang nakilala ko si Adam sa personal at minsan – Ay, hindi pala minsan. Madalas sinusundo niya ko sa school para daw ligtas ako makauwi sa amin.

"Adam, hindi mo naman kailangan palagi ako sinusundo."

"Alam mo naman siguro kung ano ang isasagot ko sayo, Juno. Gusto kong malaman na ligtas ka makakauwi."

"Oo, pero alam kong pagod ka rin sa trabaho mo. Imbes na sinusundo mo ko gabi-gabi ay magpahinga ka na lang. Ayaw ko rin kasi magkasakit ka."

"Magaalala ka ba sa akin kapag nagkasakit ako?"

"Oo naman kasi kaibigan kita."

"Hanggang kaibigan lang ba ang tingin mo sa akin? Hindi na ba pwede hihigit pa?"

"Adam naman! Ilang beses ko na sinabi sayo na ayaw ko muna pumasok sa isang relasyon."

Napansin kong hininto niya sa isang tabi ang kotse nito. "Ilang taon na nga ba kayo hiwalay ng ex mo? 6 years? Juno, wala naman masama kung sumugal ka, eh at kung iniisip mo na baka katulad ako ng ex mo pwes nagkakamali ka. Hindi kita magagawang lokohin."

"Adam–"

"Shh... Makinig ka muna sa akin. Noong unang gabi kita nakausap ang gaan ng loob ko sayo dahil iba ka sa mga nakausap kong babae. Hindi ka boring kausap at masaya ako sa tuwing nakakausap kita, Juno. Hindi ko naman pwede pigilan na nahuhulog na ko sayo kahit hindi pa kita ganoon kilala."

"Let me think about it."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kahit alam kong may gusto siya sa akin. Noong isang araw umamin sa akin si Adam pero nireject ko lang siya. Natatakot kasi ako baka maulit lang ang nangyari.

Bumaba ako agad sa kotse niya pagkarating namin sa bahay. Hindi ko nga inalam ang pagalis niya dahil pumasok rin ako agad sa loob ng bahay namin.

May naisip akong paraan pero baka hindi pumayag si Adam sa naiisip ko. Na gumawa kami ng love contract na may expiration date.

Bahala na nga. Susubukan ko siya kausapin kung kailan kami magkikita ulit.

Kinabukasan maaga ako umalis sa amin dahil 7AM ang klase ko at ayaw ko pa naman mahuli sa unang klase ko.

"Good morning, class." Nilapag ko na ang mga gamit ko sa desk.

"Wow, Ma'am, blooming po kayo ngayon." Sabi ng isa kong estudyante.

"Anong pinagsasabi niyo diyan? Hindi ako blooming. Ganito lang talaga ang itsura ko."

"Oo nga po, Ma'am! Dahil po ba 'yan kay Officer Hernandez? Ayiieee..." Pagtutukso naman ng iba sa akin kaya doon na rin nagingay ang klase ko.

Kilala rin nila si Adam dahil palagi nilang nakikitang sinusundo ako. Kapag nahuli ako ng dating nakikita ko sila na kinakausap si Adam.

"Class, quiet! Maraming oras na ang nasayang."

Nagsimula na ko magturo ng lesson sa kanila at nakikinig naman silang lahat sa akin. Kaya paborito ko ang section na ito dahil mababait ang mga estudyante. Ang ibang section kasi mas maraming pasaway at maiingay kaysa sa nakikinig sa klase ko.

Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko na ang message ni Adam sa akin. Ang kulit talaga niya kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na hindi niya kailangan gawin ito sa tuwing umuuwi ako. Kaya ko namang umuwi na magisa, eh.

"Last mo na 'to ah." Sabi ko pagkasakay sa kotse niya.

"Ang alin? Ang pagsundo sayo? Kaya nga kita sinundo ngayon kasi may gusto akong sabihin sayo."

"Ako rin may sasabihin."

"Pwede bang ako na muna?"

"Sure, sure. Ano ba 'yon?"

"Um, I don't know how to say this... Inassign kasi ako ng chief ko sa ibang lugar."

"Huh?! Saan naman?"

"Hindi pa sinasabi sa akin kung saang lugar ako ipapadala."

"Sa tingin mo hanggang kailan ka doon?"

"Hindi ko masasabi kung hanggang kailan ako."

"Ganoon? Mamimiss kita kasi ikaw lang ang kaibigan ko na madalas kong kasama simulang nakilala kita sa personal."

"Wala ka bang ibang kaibigan?"

"Marami akong kaibigan. Actually, mga kababata ko ang lahat na kaibigan ko pero busy na sila sa kanya-kanyang buhay at iba sa kanila may sariling pamilya na."

"Ganito na lang ang gawin natin. This weekend bakasyon tayo kahit saan mo gustong pumunta."

"Tayong dalawa lang?"

"Yes. Ayaw mo ba? Okay, iba na lang. Mamasyal na lang tayo."

"Wala 'kong sinabing ayaw ko magbakasyon na tayong dalawa pero marami akong gagawin sa weekend lalo na't malapit na ang birthday ng mga kapatid ni Yuuta. Sorry."

Kumumot ang noo nito. "Sinong Yuuta."

"Hindi mo nga pala kilala ang mga kaibigan ko. Isa si Yuuta sa kababatang kaibigan ko pero madalas siyang kasama ni Riley noong hindi pa siya kasal."

"I see... Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?"

"Nakalimutan ko na yung sasabihin ko sayo. Next time na lang siguro."

Bad timing kung sasabihin ko sa kanya ang gusto kong sabihin. Ayaw kong long distance relastionship kahit ang sasabihin ko sa kanya ay may expiration date ang relasyon.

"May gusto akong puntahan. Samahan mo ko ah."

"Sure, sabihin mo lang sa akin yung direksyon." Sabi niya at pinatakbo na niya ang makina ng kotse niya.

Sinabi ko sa kanya ang direksyon kung saan ko gustong pumunta ngayon. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan ko makakasama si Adam, 'di ba? Kahit nga siya hindi niya alam kung kailan siya aalis at kung saan siya ipapadala.

Dumungaw siya pagkarating namin. "Club? Sigurado ka bang dito mo gustong pumunta?"

"Oo, ito yung lugar na gusto kong puntahan."

"Pero club ito. I mean, alam ba ng mga magulang mo na pumupunta ka sa ganitong lugar?"

"Alam nila. Actually, ang palagi kong kasama dito yung isa kong kaibigan – si Blaire. Siya kasi palagi nagyaya sa akin noong mga panahon hindi pa kami busy. Ngayon kasi hanggang tawag o message na lang kami nakakapag usap. Siya nga rin dahilan kung bakit bakit kita nakilala kasi siya yung nagrecommend sa akin subukan ko daw yung app. Ang dami ko na tuloy nasabi sayo. Tara na." Nauna na ko sa kanya bumaba ng kotse.

"Dapat pala sa kanya ako nagpasalamat kasi nakilala kita."

"Sige, pagbalik mo ipapakilala kita sa kanya. Paniguradong matutuwa 'yon."

Nauna na kong pumasok sa kanya sa club. As usual maiingay ang nasa paligid at sa isang sulok kahit madilim ay alam kong may dalawang tao doon. Ayaw ko na ituloy kung ano man ang ginagawa nila doon.

Love ContractWhere stories live. Discover now