16

30 2 0
                                    

"Mauna na kayo sa kotse. Babayaran ko lang yung mga pinamili natin." Sabi ko at inabot ko kay dad ang susi.

Binitbit ko na ang mga pinamili namin pagkatapos kong bayaran at lumabas na sa grocery. Habang naglalakad papunta sa parking lot ay may nakita akong familiar na mukha.

Shit, hindi ako pwede magkamali sa nakita ko ngayon.

Nilagay ko na ang mga pinamili namin sa backseat.

"Dad, kaya niyo pa bang magmaneho?"

"Siguro. Bakit?"

"Mauna na kayo umuwi sa bahay. May nakalimutan kasi akong gawin ngayon."

"Pero may usapan tayo na pupunta tayo kila kuya ngayon pagkatapos natin maggrocery."

"Hahabol ako sa inyo mamaya."

Tumakbo na ko pabalik kung saan ko nakita si Axel. Shit, saan na pumunta 'yon ngayon? Ang galing talaga niyang maglaro ng tagu-taguan. Tsk.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko makita ulit si Axel. Baka nandito lang 'yon sa paligid at nagtatago kung saan.

Pumunta ako sa security room baka pumasok sa grocery kaya nakita ko siya kanina.

"Sir, bawal ho kayo pumasok." Sabi ng isang staff.

Pinakita ko sa kanya ang police badge ko. "May hinahanap akong tao. Kaya kailangan kong makita ang kuha ng CCTV niyo baka makita ko siya."

"Pasok ho kayo."

Umalis na yung nakabantay pagkatapos niyang kausapin 'to. Kaya umupo na ko para tingnan ang lahat na kuha ng camera baka pumasok si Axel at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Axel sa isang screen at mukhang hindi pa siya lumabas.

Tumayo na ko. "Thank you."

Lumabas na ko sa security room para puntahan kung saan si Axel ngayon.

Nagtago ako pagkakita ko sa kanya baka kasi makita niya ko at hindi ko malaman kung saan siya nagtatago ngayon. Kapag nalaman ko na doon ko lang tatawagan sila Kent para pumunta rin sila doon sa lugar.

Nakita ko na siyang binabayaran ang mga pinamili niya at lumabas na rin sa grocery kaya sinusundan ko siya kung saan man pupunta. Hindi pwede mawala sa paningin ko si Axel.

Nagtataka ako kung bakit siya huminto sa paglalakad o baka nandito siya nagtatago ngayon.

"Kanina mo pa ko sinusundan kaya lumabas ka na diyan."

Tsk, alam niyang sinusundan ko siya. Kaya hinanda ko na ang baril ko dahil paniguradong patibong ang lahat na ito.

Tinutukan ko siya ng baril pagkalabas ko kung saan ako nagtatago. "Huwag kang gagawa ng masama, Axel Carter!"

"Ako pa ang gagawa ng masama eh, ikaw nga itong may hawak na baril diyan, Mr. Officer."

Aba, sumasagot pa ang hayop.

"Huwag kang gagalaw! Itaas mo ang mga kamay mo!"

Itinaas na niya ang mga kamay niya at dahan-dahan siyang humarap sa akin. "Hindi ako gagalaw dito sa pwesto pero mukhang ikaw ang nasa panginip ngayon, Mr. Officer."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Ikaw at ako lang ang nandito ngayon."

"Sigurado ka?" Napansin ko ang pagtingin niya sa isang building.

Shit! Sabi na isang patibong lang ito. Mabuti handa ako sa ginagawa kong misyon.

"Hoy! Bakit hindi mo pa pinatay ang officer na 'to?! Hoy, sumagot ka! Shit, naloko na!" Sabi niya kung sino man ang kausap niya at tumingin sa akin. "May iba ka pa bang kasama?"

"Kasama? Magisa lang ako sumusunod sayo."

"Huwag mo kong lokohin! May pumatay sa kasamahan ko!"

"Walang alam ang mga kasamahan ko na nakita kita ngayon kaya imposible na dumating sila."

Sino naman kaya ang magpapatumba sa kasamahan niya? Hindi ko pa naman tinatawagan sila Kent para tulungan ako dito. Inaalam ko pa lamang kung saan ang hideout ni Axel.

"Humanda ka sa akin, Mr. Officer!" Nagulat ako sa bigla niyang pagtutok ng baril sa akin.

Shit. Masyadong malalim ang iniisip ko kanina at hindi ko namalayan na inagaw niya ang baril ko.

Kailangan kong agawin ulit sa kanya ang baril bago pa niya paputikin sa akin ang baril. Kaso delikado kung aagawin ko sa kanya yung baril.

Damn! Wala na ko maisip. Bahala na nga.

"Kung ako sayo sumuko ka na para matapos na ito."

"Hah. Ako? Susuko? Kahit kailan hindi ako susuko sa inyo hangga't hindi bumabalik sa akin si Juno."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba ang gusto mo kay Juno? Ang pagkababae ba niya? Sorry ka na lang dahil hindi mo na makukuha ang inaasam mo sa kanya."

"At bakit naman hindi ko na makukuha ang inaasam ko sa kanya?"

"Dahil binigay na ni Juno sa akin ang sarili niya. Tama ang narinig mo binigay na sa akin ni Juno habang nasa resort kami. May nangyari sa amin noong gabing 'yon."

"Hindi. Hindi totoo 'yan!"

Napaupo ako sa semento noong pinutok niya ang baril at tumama sa binti ko.

"Aray!" Sigaw ko. Takte sobrang sakit.

"Nararapat lang sayo 'yan! Inagaw mo sa akin si Juno kahit ang inaasam ko kinuha mo rin sa akin! Ang dapat sayo ay mamatay!"

Hindi ako pwede mamatay dito. Nangako ako sa mga tao na babalik ako ng buhay, hindi ang katawan kong wala ng buhay ang babalik at nangako rin ako kay Celine na tutulungan ko siyang hanapin ang kapatid niya pagkatapos nito. Baka mawala ang tiwala niya sa mga pulis kapag namatay ako dito.

"Any last word?"

Hindi na nga ako makasalita sa sobrang sakit ng tama ko sa binti.

Hindi maproseso sa utak ko ang sunod nangyari dahil pinutok niya ulit ang baril pero hindi sa akin tumama kung 'di...

"Dad. Dad!" Pinilit kong tumayo para makalapit sa kanya.

Hindi ko inakala na susundan pala ako ni dad dito. Baka siya ang pumatay sa isa pero hindi na mahala 'yon. Kailangan kong tumawag ng ambulansya.

"M-Masaya ako na ikaw ang naging anak ko, Adam. A-Ang l-layo na ang narating mo ngayon. I-I'm so p-proud of you, s-son."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag kayo magsalita parang mamaalam na kayo. Lumaban kayo, dad. Tatawag ako ng ambulansya."

Nabitawan ko ang phone ko bago pa ko nakatawag ng ambulansya dahil bumitaw na si dad sa pagkahawak sa akin.

"Dad, huwag kayo magbiro ng ganyan! Hindi magandang biro 'yan. Gumising ka na, oh. Pupuntahan pa natin sila tito Rocco." Sabi ko habang umiiyak.

Hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa dad ko, Axel Carter! Magbabayad ka sa ginawa mo!

Love ContractWhere stories live. Discover now