4

43 3 0
                                    

Adam's POV

Nilibot ko ang paningin ko pagkapasok namin sa club. Hindi ako makapaniwala na pupunta si Juno sa ganitong lugar.

Umorder na siya ng maiinom niya pagkarating namin sa bar.

"Ano ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Alam mo namang hindi ako pwede uminom. Magmamaneho pa ko mamaya."

"Pwede ka namang umorder ng non-alcoholic drink."

"Huwag mo na ko intindihin at saka hindi talaga ako umiinom."

"Ikaw ang bahala."

Nakakahalata na ako sobrang dami na ng naiinom niya ngayon. May problema ba siya na hindi niya sinasabi sa akin? Kailangan kong pilitin siyang sabihin sa akin na may problema siya.

"Juno, okay ka lang ba?"

"Hmm... Oo naman. Bakit mo natanong kung okay lang ako?"

"You are not okay. Sabihin mo nga sa akin may problema ba?"

"Hmm... May isang bagay na hindi ko masabi sayo."

Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Ano 'yon?"

"Noong isang araw kasi nakita ko yung ex ko."

"Kailan nangyari 'yan? Eh, palagi mo naman ako kasama."

"Last week. During my lunch break bigla siya pumunta sa school."

"Ano ang kailangan niya sayo kung bakit ka niya pinuntahan?"

"Um, hindi ko na maalala kung ano ang sinabi niya kasi hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya sa akin. Ayaw ko nga siya makita, makausap pa kaya."

Natatakot ako baka isang araw bumalik si Juno sa ex niya. Eh, hindi ko pa nga siya ganoon kilala kahit limang taon kami naguusap sa chat. Maraming bagay pa ako walang alam tungkol kay Juno.

"May nararamdaman ka pa ba para sa kanya?" Sa bawat tanong ko kay Juno ay nasasaktan ako pero wala naman akong karapatan na magselos kung aminin niya sa akin na may nararamdaman pa siya sa ex niya. Hanggang kaibigan lang naman ang tingin ni Juno sa akin.

"Siyempre wala na kong nararamdaman para sa kanya. Ano siya sinuswerte? Pagkatapos niya kong lokohin tapos babalikan niya ko kung hiwalay na sila noong babae. Psh."

"That's right. Huwag mo siya balikan dahil hindi niya deserve ng second chance."

"Matagal na kong move on sa kanya. Baka sirain ko na ang pagmumukha niya kapag nakita ko pa siya ulit. Hindi pa niya alam na magaling ako sa karate."

"Really?" Wala rin akong ideya magaling siya sa karate.

"Yes! Pinagaral ako ni dad ng karate para self defense."

Kahit may alam siya sa karate 'di pa rin sapat 'yon. Paano kung may katalim pala yung nakaharap niya? Delikado pa rin.

Sana nga hindi na lang matuloy ang paglipat ko para makasama ko pa si Juno kahit gaano pa ko busy sa trabaho.

Napansin kong nakatulog na pala si Juno sa kalasingan niya. Hindi ko siya pwede iuwi sa kanila na ganito ang kalagayan niya.

"Boss, heto na yung bayad sa mga ininom niya." Nilapag ko na ang pera sa counter at tinapik ko na siya. "Juno, wake up."

"Mmm... Give me 5 more minutes."

Wala na ko ibang choice kaya binuhat ko na siya. Hindi naman ganoon kabigat si Juno.

Inuwi ko muna siya sa bahay habang lasing pa siya at bukas ko na lang siya iuwi sa kanila.

Binaba ko na siya sa kama pagkarating sa bahay pero ang problema kung paano ko ba siya mapapalitan ng damit.

"Sana hindi busy si Mona." Wala na ko iba pang kaibigan na babae maliban kay Mona kaya tinawagan ko siya.

"Napatawag ka, Adam."

"May emergency kasi kaya ako napatawag sayo. Ikaw lang ang kaibigan kong babae na pwedeng tumulong sa akin."

"Ano ba yung emergency?"

"Sasabihin ko sayo mamaya pagkarating mo."

"Okay, magpapaalam lang ako kay Stef."

Matagal ng kasal si Mona sa isang De Luca. Wala namang issue sa akin 'yon lalo na wala kaming relasyon ni Mona. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin.

Binuksan ko na ang pinto pagkarating ni Mona sa bahay.

"Ano yung emergency?" Tanong niya sa akin.

"May kaibigan kasi ako naglasing kanina kaya dinala ko siya dito kasi baka pagalitan siya ng mga magulang niya kapag nalaman nilang naglasing siya. Pwede bang ikaw ang magpalit ng damit niya? Kukuha lang ako ng susuotin niya sa kwarto."

"Napaka gentleman mo naman. Akala ko pa naman kung anong emergency at nagmamadali pa kong pumunta dito."

"Emergency talaga ito, Mona."

"Oo na. Ako na ang bahala na magpalit ng damit sa kanya at kumuha ka ng masusuot niya. Dali! At huwag mong subukan sumilip ah."

"Hindi ko magagawa 'yan."

Kumuha na ko ng masusuot ni Juno at pumunta na ko sa kabilang kwarto para iabot kay Mona yung damit.

"Why she looks familiar?"

Humarap na ko sa kanya. Tapos na pala niya palitan ng damit si Juno.

"Siya yung nababanggit ko sayo dati na nakakausap ko online."

"Really? Nagkita na pala kayo pero hindi mo sinabi sa akin. Sigurado ako alam mo na ang pangalan niya."

"Juno. Juno Perez ang pangalan niya at isa siyang professor."

"Isa siyang professor pero naglalasing."

"May problema lang yung tao kaya hinayaan ko lang siya at sinamahan ko na rin baka ano pa ang gawin ng ibang lalaki sa kanya."

"Ang bait mo talaga."

"Kilala mo ko, Mona. Gagawin ko ang lahat para sa kaibigan ko."

"Kaibigan? Hindi ba sinabi mo sa akin na may gusto ka sa kanya?"

"Oo, may gusto nga ako sa kanya pero noong sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko ay nireject niya ko."

"Ouch. Ayos lang 'yan. Marami pa namang babae diyan."

Umiling ako. "Hindi ko siya susukuan, Mona. Gagawin ko ang lahat para patunayan sa kanya na iba ako sa ex niya. Hindi ko siya lolokohin."

"Naks! In love ang best friend ko."

"Kaso." Napakamot ako ng batok. "May problema."

"Ano yung problema? Baka makatulong ako."

"Kanina kasi kinausap ako ng boss ko at inassign ako sa ibang lugar pero hindi ko pa alam kung saan."

"Mapapalayo ka pala sa kanya."

"Iyon na nga, eh. Paano kung bumalik siya sa ex niya? Ang daming what ifs pumapasok sa utak ko ngayon, Mona. Para na kong mababaliw nito."

"Ikaw dapat ang nakakilala sa kanya. Ikaw pa nga ang nagsabi na matagal mo na siya nakakausap online."

"Oo, nakakausap ko nga siya online pero may mga bagay pa rin ako walang ideya kay Juno. Hindi ko nga alam na pumupunta pala siya sa club."

"Alam mo, Adam, gusto pa sana kita makausap ng matagal pero kailangan ko na rin umuwi. Magusap na lang tayo kung kailan ka pwede. Tawagan mo na lang ako ah."

"Okay. Salamat ulit sa tulong mo, Mona."

Maswerte ako na may kaibigan ako katulad ni Mona. Kahit malaki ang kasalanan ko sa kanya noon na tinago ko ang tungkol sa pagkawala ng anak niya. Wala nga akong ideya na si Stefan pala ang ama ng dinadala niyang bata.

Love ContractWhere stories live. Discover now