CHAPTER ONE

4.8K 82 1
                                    

"ANAK ng...!" pagmumura ng taxi driver na
sinasakyan ni Carlene.

Kung hindi ito alerto at mabilis na naapakan ang preno ay baka tuloy-tuloy ito at nabundol ang likurang bahagi ng kotseng papalabas sa garahe ng apartment na tinitirhan ng kapatid.

Tuloy-tuloy sa pagmaniobra ang sasakyan habang nanatili siyang nakaantabay. Ang kotse ay isang pulang Nissan. Kung aware man ito sa taxi na nasa kaliwang likuran nito ay hindi matiyak ni Carlene. Halos mapatapat na ito sa kanya sa ginawang pagmaniobra.

Patuloy sa pagmumura ang galit na taxi driver.
Bahagya niyang nasulyapan ang anyo ng driver dahil hindi naman tinted ang salamin ng kotse nito. A handsome man in his mid-twenties. His face was grim though, habang minaniobra nito ang sasakyan. Ni hindi man lang ito lumingon sa bahagi nila na tila ba walang ibang sasakyan doon kundi ang minamaneho lamang nito.

Ilang sandali pa'y ikinambiyo na ng driver ang
sasakyan nito palayo sa lugar na iyon. Was he Carol's husband?

Bahagya na niyang binigyang-pansin ang naisip. Ayon kay Carol ay ngayong araw na ito ang dating ng asawa nito mula sa out-of-town business trip nito. Isa itong medrep at nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company. At dahil hapon na, malamang na kanina pa ito dumating at nasa loob ito ng apartment.

Na siya mismong dahilan kung bakit bumiyahe
siya mula Mindanao-to meet her new brother-in-law.

Lumabas siya ng taxi bitbit ang maliit niyang
Louie Vuitton traveling bag habang ang driver ay kinuha ang isang di-kalakihang kahon ng kung ano-anong pasalubong mula sa likuran ng taxi. Mostly, mangosteen, lanzones, and duryan preserves. Tinulungan siya ng driver na ipasok sa nakabukas na gate ang mga dala niya.

She sighed tiredly. Itinuon ang paningin sa
duplex. Ang isa ay tinitirhan ng dalawang matandang mag-asawa; at ang isa ay ang inuupahan nilang magkapatid.

It used to be her apartment, too. Dalawa silang
nakatirang magkapatid doon mula pa noong unang taon nila sa kolehiyo. Caroline was her twin. And Carlene was older by five minutes.

Taga-Mindanao ang pamilya nila. At nang
magkolehiyo silang magkapatid ay ipinasya ng mga magulang nila ang kumuha ng mauupahang apartment kaysa sa magdormitoryo sila. Para nga naman kung dumarating sa Maynila ang mga magulang ay may matutuluyan ang mga ito.

Ang duplex ay nasa Esteban Abada at sa likuran lamang ng commercial establishments na nakahilera sa Katipunan Street. Malapit lamang iyon sa unibersidad at tahimik at maganda naman ang kapaligiran. And while her sister took up Banking and Finance and later on was employed in a bank, Carlene took up Education majoring in Preschool.

Ang ina nila ay isang guro sa isang public school sa bayan nila sa Pulawan, isang isla na ang nagdudugtong sa ibang bayan sa northern Mindanao ay mahabang tulay. Sa ina tiyak nagmana si Carlene, maliban sa mas gusto niyang magturo sa mga preschoolers.

Sa kabila ng pagiging guro ng kanilang ina at
empleyado naman sa munisipyo ang kanilang ama ay nakaaangat kaysa sa karaniwan ang buhay nilang magkapatid. Ang kabuhayan nila, bukod sa sahod ng mga magulang, ay nagmumula sa ekta-ektaryang niyugan na minana ng papa nila mula sa mga magulang nito.

Ang pag-aaral naman nilang magkapatid ay naalis na sa mga balikat ng mga magulang nila dahil mula't mula ay sinasagot iyon ng lolo nila ang tiyuhin ng kanilang ina na nakabase na sa Milan sa matagal na panahon.

Dalawang taon nang nagtuturo sa isang Montessori sa Quezon City si Carlene nang mamatay ang mga magulang sa isang aksidente sa barkong sinasakyan ng mga ito patungo sa Maynila. Nangyari iyon may apat na buwan na ang nakalipas. From her parents' death to her European trip.

Carlene sighed sadly. Four months ago. Pero
parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Ang lolo nila-her mother's uncle-bagaman
hindi ito dumating nang mamatay ang mga magulang nila ni Carol ay nag-alok ng bakasyon ano mang oras nila gustuhing umalis ng bansa. Pareho silang nagplanong bumiyahe patungong Europa. Subalit dahil sa maraming inaasikaso sa naiwan ng mga magulang ay dalawang buwan ang inabot bago muling naungkat ang pagbabakasyon sa Milan.

GEMS 40: Arrivederci, Roma (2008)Where stories live. Discover now