CHAPTER TWENTY

4K 119 15
                                    

TULUYAN na siyang napahikbi. She wouldn't
want that either. Kahit na marahil nalaman niya ang katotohanan sa araw na iyon sa Roma.

"Tatanggapin mo ba'ng maging anak si Dani,
Carlene?" Daniel asked after a while. "Wala siyang alaala sa mommy niya. And as I can see it, she really loves you."

"You know the answer to that. I already love Dani. And the boys adore her. Pero..." She paused "Paano natin sasabihin kay Mr. de Asis ang katotohanan?”

"My father-in-law would understand. I know he would. He loves the boys. And he already expressed his desire to settle here. Matanda na siya, Carlene. Hindi ko siya maaaring pabayaan. Siya na ang naging pangalawang ama ko."

Nakakaunawang tumango siya. "And what about you, Daniel?"

His smile melted her heart. "Kung nasaan ka at
ang mga bata ay naroroon ako, cara. You are home. You and the twins. And Dani. She loves it here. Nakikita mo naman siguro. Maybe I can start putting up an ortho clinic in Dipolog. O kahit dito."

Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya.
Then she remembered something. She swallowed. "Daniel, there's another thing..."

He raised a brow. "Another secret? A man? That
man Lemuel?" Sumeryoso ito, tumiim ang mukha.

"Silly. But no." She smiled wanly at him. "When... when I gave birth to the twin, may nakitang tumor na dapat alisin..." Sinabi niya rito na hindi na siya mag-aanak pa.

Hinila siya nito pababa at mariing siniil ng halik. "I have been given so much, Carlene. Wala na akong mahihiling pa. I have you and Dani. And you've given me the twins. Ano pa ba ang hihilingin ko?" Hinila siya nitong muli, letting her slide down the hard length of his body.

Carlene couldn't contain the cry that went out of her throat as she moved against his arousal. Then he kissed her. Ang kamay nito ay pumailalim sa pantulog niya, isang cotton nightie, and he cupped her breast.

Ang mga kamay ni Daniel ay patuloy at buong
pananabik na naglakbay sa katawan niya. His hand trekked to her waist, to her hips, and to her buttocks.

Carlene swayed toward him. Breathless. And hot. Memories of what they shared in that hotel room in Rome came rushing like a flood. And she wanted him fast.

Ang mga kamay niya ay bumaba sa garter ng suot nitong pajama at may katapangang nanaliksik. Isang malakas na ungol ang pinakawalan ni Daniel. Kasabay niyon ay ang malakas na hiyaw ng "Mommy" mula sa isa sa kambal.

BIGLA ang ginawang paghiwalay ng dalawa. Ang pagtawag ni Andre at sinundan ng isa pang kambal na nagising sa iyak ng una. Napabangon mula sa carpet si Carlene. Daniel groaned and sucked in his breath. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung nakita sila ng mga anak niya sa uncompromising position.

Si Andre at Darren ay pareho nang nakaupo sa
kama at nagsimulang humikbi. Bago pa makatayo si Carlene ay mabilis nang nakababa sa kani-kanilang kama ang kambal at tinakbo si Carlene.

Sandaling nahinto ang mga ito sa balak na
pagyakap sa ina nang makitang naroon si Daniel at nakahiga sa carpet.

"Unkey Dan..." That was Andre, smiling sleepily
at him.

Kulang na lang ay matunaw si Daniel sa ngiting iyon. Hindi niya gustong isipin ang takot na naramdaman niya nang matiyak na nanganganib ang mag-iina niya kanina. Itinaas niya ang dalawang kamay para abutin ang dalawang bata. He kissed both boys' hair, inhaling the soft baby scents.

Darren went to him willingly. Idinapa niya ito
sa ibabaw ng dibdib niya. Andre went to her mother. Ilang sandali pa'y pareho nang itinuloy ng dalawang bata ang naudlot na tulog.

Nakaharap sila sa isa't isa. Sa pagitan nila ay
ang dalawang bata. Daniel reached for her hand and entwined his fingers with hers.

"I love you," she mouthed. "Yes. And yes."

"Para saan ang yes?" Daniel looked confused.

"Didn't you just ask me to marry you?" she said
innocently.

He started to laugh. Inilagay ni Carlene ang kamay sa bibig niya. "Sshh. Gigisingin mo uli ang mga bata."

His laughed vanished, tila sasakyang biglang
nagpreno. Banayad niyang tinapik-tapik si Darren na nakadapa sa dibdib niya. Kapagkuwa'y iniangat niya ang katawan upang abutin si Carlene at hagkan.

The child in his arm squirmed. He jumped. Then he tensed. Pagkatapos ay maingat at dahan-dahang ibinalik niya ang sarili pahiga sa carpet, groaning and smiling at the same time.

Carlene smiled at her sleepily.

"Io ti amo, cara... "he whispered. His cup runneth over with love.

...WAKAS...

GEMS 40: Arrivederci, Roma (2008)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon