CHAPTER 13

351 10 5
                                    





[🥀Author's Note:
Would like to dedicate this chapter to Lazydenyyyy for supporting this story and for all the kind words of motivation. Thanks heaps! 🥺💗]











"Hey! Stop it you two!" she screamed and leap towards them in a mere second.

Gamit ang dalawang kamay ay pilit niyang pinaghiwalay ang mga ito kahit na kung tutuusin ay wala siyang sinabi sa lakas ng dalawang lalaki at isang kabig lang ng kung sino man sa mga ito ay paniguradong tatalsik na siya.

Agad bumitaw si Juval sa pagkakahawak sa leeg ni Dustin at hinubad ang suot na leather jacket nito bago galit na binato sa kanya upang marahil matakpan ang medyo hindi na naman niya presentableng hitsura.

He may not look like it, pero mukhang konserbatibo ito at nakaka strike two na siya.

"Dustin! Let go!" nandidilat ang matang saad niya at dalawang kamay na hinila ang braso nito para bitiwan si Juval dahil hindi pa din ito kumakalas. Mukhang hindi naman iyon ininda ng huli na lalong nagpa pikon sa sa kaibigan niya at pabalabag itong binitawan. Juval stand there motionless while still giving Dustin the murderous stare.

"What happened to the both you?!" windang na tanong niya habang nagpapalit palit ang tingin sa dalawa.

"He started it Alesi!" tungayaw ni Dustin.

Hinila siya ni Juval palapit dito habang hindi inaalis ang tingin sa kaibigan niya. Honestly, he wants to praise Dustin for even standing his ground dahil sa hitsura ng mukha ni Juval, he looks like a predator defending his territory.

Ng makita ni Dustin ang ginawa nito ay hinila siya nito sa kabilang braso at napalakas iyon.

"Ouch! For Pete-"

Hinila siyang muli ni Juval at tumalsik siya sa buong katawan nito. Oh God. Give her a break!

Bago pa siya muling hilahin ni Dustin ay ipiniksi niya ang dalawang kamay na hawak ng mga ito and with the most stern face ay itinaas niya iyon sa ere.

"Don't make me a ragdoll!" sigaw niya. What the heck is happening with this two!

Sabay na natahimik ang mga ito at muli, naglipat lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Okay..... I'm gonna ask you one at a time what really happened okay. Be man enough to not interfere the other while talking. Everything clear?"

Hindi sumagot ang dalawa pero parang naririnig na niya sa utak niya ang mga kislap ng kuryente sa talim ng titig ng mga ito sa isat isa.

"You go first Dustin--"

"That man is a lunatic! You need to get him out of this house now Alesi! I told you over and over again to not befriend strangers but you never listen! This time you even brought a feral stray into your home my god! Wait till Kitty hears of it--"

Napapikit siya at napangiwi. Bukod sa pagputol nito sa sasabihin niya ay hindi nito nabigay ang sagot na kailangan niya.

"-- you're not thinking very bright now are you? You know how dangerous it is nowadays. This man here doesn't even look like a sheep in clothing but already a big bad woof and you dare get yourself still baited? Alesi! --"

"Stop! Stop!" awat niya dito ng makita ang pag iigtingan ng mga bagang ni Juval.

He hasn't utter any single word since earlier and she don't know why it scare her.

"Dustin, you know that you didn't answer the question do you?"

He looked at her. "I didn't?"

Napabuntong hininga siya.

Hot Nights With An IncubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon