CHAPTER 42

136 9 0
                                    

𝐆𝐢𝐟𝐭𝐬

AIRAH'S POV

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung nangyari sa amin kagabi ni Katsuki. Naglalakad na ako ngayon dito sa quadrangle ng school upang pumasok pero bago yun kailangan ko munang kunin yung mga librong tinago ko sa aking locker, mag re-review ako. Exam na namin kasi next week. Buti pa sina Katsuki kakatapos lang nila kahapon, sana talaga sinabay nalang kami sa kanila, napag iwanan tuloy kaming mga engineering students.

Pero yung utak at katawan ko yata nasa pangyayari pa kagabi, hindi ko lubos maisip na nakapag kwentuhan kami ng malalim pagkatapos niyang sabihin yung "Titigil na po."

Really? Ilang oras lang yun pero halos nalaman niya na ang tungkol sa fake personalities ko at nalaman ko narin ang unting pagkatao niya.

Well nagustuhan ko naman yun dahil doon ko nalaman kung talagang kasabwat ba siya ng kuya at daddy niya, pero sa inopen niya sa akin about his life alam kong wala siyang kaalam alam sa madilim na gawain ng pamilya niya.

Poor boy.

Alam kong gusto niyang malaman ang pagkatao ko kaya siya nagtatanong sa akin kagabi, syempre dahil nililigawan niya ako kailangan niya naman talaga gawin at malaman yun pero dapat hindi din lahat. At ako na ginamit ko din ang oras na yun para magtanong sa kanya about his life pero wala naman akong napulot na kahit na ano except his birthday, his favorites food, his allergic foods, anger to his dad, being a mama's boy, a little bit jealous of Kintkeil, his four friends, being an sporty, being an achiever before, being an inlove with me, tsk. And of course his family clan, etc.

Samantalang ang nalaman niya lang sa akin ay birthday ko, zodiac sign ko, fav food, fav number, fav color, fav kind of flowers, kina Zel and Nanay. Yung mga easy to get questions lang ba.

Tinanong niya pa sa akin kung nasaan ba ang Tatay ko, ako naman ay gumawa ng kwento na hindi ko siya kilala dahil never ko siyang nakita sa personal o litrato. Bahala na kung paniniwalaan niya ako sa kasinungalingan ko. Pero lahat naman ng favs ko na tinanong niya sa akin ay yun talaga ang favorites ko, favorites ni Jenairah Zachary in real life talaga yun especially her birthday, birthday ko talaga yun, hindi ko yun binago sa fake birth certificate ko. Kaya hindi rin siya lugi.

Kinuha ko na ang maliit na susi ng locker ko sa bag at sinisimulan ko ng buksan ang locker ko. Naunlock ko naman agad iyon pero halos nalaglag ang balikat ko ng wala akong nadatnan ni isa na gamit sa loob nun. Sinubukan kong isarado ulit ang locker para tignan ang number.

Locker number 54 naman ang nakalagay bakit walang laman? Eh ito talaga yung locker ko. Dito ako inilipat ni Katsuki noon nung nagalit siya sa akin dahil tumabi ako sa kanya.

Do you still remember those days? Hayts unexpected lahat ng mga nangyayare sa akin noon at ngayon mula nung makilala siya.

Binuksan ko ulit ang locker ko ng dahan dahan at malungkot na nakatingin doon.

Hindi pwedeng mawala ang mga gamit ko dito. Yun pa naman ang mga importante na ginagamit ko sa school. Hindi pwedeng may magnakaw nun---

Natigilan ako kasasalita sa isip ng may marinig akong pamilyar na tinig sa aking likuran. Yung boses na yun...

"Dandere."

Napabuntong hininga ako at napapikit sa lalim ng boses ng taong nagsalita sa likod ko. Hindi ko nga alam kong nagtatanong siya o tinatawag niya lang ako. Basta nilingon ko nalang siya pagkatapos makarecover sa narinig.

Nagkatitigan na naman kami. Palagi nalang ba ganito kapag tinatawag niya ako sa unang beses sa isang araw, ang magtitigan bago magsalita?

Siya din ang umiwas sa titigan namin ng masiyado ng tumatagal. Ginalaw lang niya ang ulo at tinignan ang nakabukas kong locker.

HER SECRETWhere stories live. Discover now