CHAPTER 45

140 8 0
                                    

𝐂𝐡𝐨𝐨𝐬𝐞

JIRO'S POV

Hindi ko parin nakakalimutan hanggang ngayon yung nalaman ko tungkol kay Airah na siya pala ang batang nagligtas kay Tyrone noon. Na siya ang SuperWoman niya.

Nakagat ko ang pang ibabang labi sa naisip na yun at napahawi nalang ng buhok.

Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon! Nasa utak ko parin, hindi ko talaga yun kayang kalimutan. Hinding hindi dahil aaminin ko nasaktan ako, nasaktan ako sa nalaman. Dapat diba maging masaya ako dahil sa wakas nahanap na ng kaibigan ko ang taong matagal na niyang gustong makita.

Pero bakit ganito? Bakit ganito yung nararamdaman ko. Napaka selfish ko para kay Tyrone para hindi ako maging masaya sa kanya. Gawin ko man kasi hindi ko magawa dahil alam ko kung gaano kapatay si Tyrone sa SuperWoman niya. Sinabi niya sa akin noon na gagawin niya ang lahat maging sila.

Masiyado siyang na love at first sight noon sa savior niya at hanggang ngayon hindi niya nakakalimutan kung gaano siya kaganda.

Then now malalaman ko, malalaman namin na iisa pala sila ni Airah. Napanganga talaga ako doon dahil doon palang talo na ako, doon palang hindi susukuan ni Tyrone si Airah lalo't siya ang SuperWoman niya.

Matagal na niyang gustong mahanap eh. Alam ko yun dahil minsan sinasamahan ko siya, alam ko ang pinag daanan niya sa SuperWoman niya, alam ko kung gaano siya nag suffer, kung paano nagbago ang masaya niyang pagkatao, kung paano siya naging bully. Dahil lahat ng iyon dinulot ng SuperWoman niya sa gabi gabing naalala niya ito.

Kaya nasasaktan ako ngayon. Dahil matagal na niyang gusto ang lahat ng ito tapos dadagdag ako sa lovelife niya.

Pucha!

Kung alam ko lang na si SuperWoman at si Airah ay iisa sana hindi ko nalang siya minahal, dahil ang sakit eh. Ayokong maging karibal ni Tyrone, ayokong sirain ang matagal na niyang hinahangad. Pero mahal ko si Airah, mahal na mahal. Kaya anong gagawin ko, anong pipiliin ko?

Ang kasiyahan ng kaibigan ko, o ang magiging kasiyahan ko?

Napalo ko ng malakas ang manobela ng aking kotse at napahawak ako ng mahigpit sa aking buhok. Nakatingala ang ulo ko ngayon kasabay ng pag agos ng aking mga luha. Lumulunok lunok ako ng laway sa sakit at pagpipigil ng paghagulgol.

Paalis na dapat ako papunta sa date namin ni Airah pero pagkasakay ko sa kotse nakaramdam agad ako ng tahimik at malungkot na hangin, at sumagi lahat ang nalaman ko noong huwebes.

Itutuloy ko pa ba ito? Sisipot pa ba ako?

Bumuntong hininga ako at binitawan na ang pagkakahawak ko sa aking buhok at nilagay na pareho ang kamay sa manobela. Bahagya akong nakayuko ngayon at humuhugot ng lakas para mapaandar na ang kotse.

Pero hindi ako makagalaw. Yung naimagine kong first date namin na magiging masaya, parang hindi yata magiging totoo. Expectation vs. Reality ang tawag doon.

Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako sa passenger seat dahil doon nakalagay. Hindi ko iyon kinuha pero nabasa ko ang text sa akin ni Austin.

"Enjoy •⁠ᴗ⁠• !!"

Sabi niya na may smily emoji pa. Agad ko ring inalis ang paningin doon at tinignan ang labas. Malapit ng mag 6:00 pm, usapan namin ala sais kami magkikita sa Intramuros Manila.

Kaya sa huli wala akong nagawa kundi umalis na lamang. Mabilis lang naman ang byahe dahil hindi naman traffic ngayon kaya agad din akong nakapunta sa paroroonan.

HER SECRETWhere stories live. Discover now