CHAPTER 47

109 7 0
                                    

𝐔𝐧𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐟𝐮𝐥 𝐏𝐥𝐚𝐧

TYRONE'S POV

Gising na ang diwa ko pero heto parin ako nakapikit at hindi parin nagmumulat. Naalala ko din na narito pala ako sa kwarto ni Airah at binantayan siya. Kaya naman yayakapin ko sana siya kaso wala man lang akong mahawakang kahit na ano, kumot ang nahahawakan ko.

Napakunot ang noo ko at ginalaw galaw ang kamay ko, nang wala talaga akong mahawakan ay minulat ko na ang mga mata at tumingala. Napaupo ako ng ayos ng makitang wala si Airah sa higaan.

Nasaan siya?

I stood up and looked at the food I bought last night on the side table, hindi man lang nagalaw. I looked at the clock on the wall and it was 6:17 am.

Ang aga naman niyang magising.

Okay na ba siya?

Nilakad ko ang pintuan ng CR niya at kumatok ng tatlong beses.

Nagsalita na ako ng wala man lang sumagot. "Dandere nandiyan ka ba?"

Binuksan ko na ang pinto ng CR niya ng hindi siya sumagot at nanghina ako ng wala akong Dandere na nakita.

Nasaan siya? Baka nasa labas siguro. Tanong ko, ako din ang sumagot. Tsk.

Kaya naman sinarado ko nalang ang pinto ng CR niya at lumabas sa kwarto niya.

Kumunot ang noo ko ng napaka tahimik ng sala. Dumiretso ako sa kusina at nagbabakasakaling naroon siya pero wala akong nakitang tao ganun din sa CR nilang nandito malapit sa kusina.

Nagsimula na akong kabahan. Bakit ganito yung nararamdaman ko, parang may mali.

Umalis ako sa kusina para lumabas pero natigilan ako ng hindi ko pa nahahawakan ang doorknob ng main door nila eh nakabukas na pala, sira pa ang padlock ng doorknob. Agad kong binuksan ang pinto ng maluwag at tinignan ang labas ng bahay.

Narito ang mator ni Dandere. Malamang hindi siya umalis. Tinignan ko ang kotse ko sa labas, nandoon parin. Pero... Kumunot ang noo ko ng nakabukas ang gate.

Yung kaninang kaba ko mas lumala ngayon. Meron ng pumasok sa isip ko pero ayokong banggitin, ayoko kasing isipin.

Isinarado ko ang pinto at pagkaharap ko...

"AHHH!!!"

I was surprised to see Zel na kakagising lang. Naka short, naka sleeveless at baka nga wala pang bra.

"Sino ka?! Akyat bahay ka ba ha?"

"Relax, relax. Hindi ako akyat bahay."

"Sino ka? Bakit ka nandito?" pahina ng pahina niyang sabi.

"I'm Tyrone, I'm here because I took care of Airah last night because she was sick, when I woke up she wasn't in her bed, I couldn't see her."

She gaped and looked at me from my feet up to my face. She also narrowed his eyes at me. But I was shocked when she shouted.

"You?! Ikaw si Tyrone? Bakit parang hindi ikaw! Omg!"

Kakagising nga lang niya talaga, hindi niya ako nakilala eh.

Napatakip siya sa bibig at nahihiyang tignan ako. Yah, I know I'm handsome so don't be surprised. Hinahanap ko si Dandere at siya ang kailangan kong makita.

"Have you seen her?"

She came back to his senses when I spoke seriously. She looked at me with a frown.

HER SECRETWhere stories live. Discover now