CHAPTER 72

87 3 0
                                    

𝐃𝐚𝐧𝐠𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲

AIRAH'S POV

"Kintkeil."

Mahina kong pag banggit sa ngalan niya. Biglang bumilis rin ang puso ko sa takot at kabang naramdaman.

"Bakit ka nandito? What are you doing here? Why did you follow us?"

Mga tanong na lumabas sa bibig ko habang umaatras ang mga paa ko ngunit umaabante siya para hindi lumayo ang mukha namin sa isat-isa.

Naramdaman ko ang pag hapit niya sa bewang ko at ang pag haplos niya ng pisngi ko.

"Ano ba!!"

Tinulak ko siya at galit na galit na tinignan siya.

"Jenairah. I'm here to pick you up. I'm your boyfriend, right? I'm your real boyfriend, bakit ka sumasama sa kapatid ko?" sabi niya at tinuro ng galit si Tyrone sa likod ko.

Nagulat ako ng bigla siyang mas lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso at niyuyogyog ako.

"Bakit Jenairah? Bakit?"

Sinampal ko siya na ikinabitaw niya sa braso ko. "Hindi ko na kailangan mag explain sa'yo dahil kahit hindi ako nakipag hiwalay sa'yo ng harap harapan. Alam mo na wala na tayo."

"Jenairah. No. Tayo parin."

Lalapitan niya sana ako kaso umatras ako at inawat siya. Hindi siya nagpatuloy.

"Kintkeil. Pwede ba! Tapos na tayo! And if you're here to ruin Tyrone's birthday and take me back to the Organization. Hindi ako sasama sa'yo!!"

Malakas kong sabi. Sobra yung tension na nararamdaman ko ngayon, para akong bulkan na nagbubuga ng lava. Wala akong pakealam kung marinig ni Tyrone ang pinagsasabi ko.

Siguro, time narin para malaman niya ang totoo na ang kuya niya ay kasapi sa Organization namin.

Kumunot ang noo ko ng may senenyasan si Kintkeil. At napatingin ako sa likod ng lumabas ang dalawang lalaki at patungo sila sa gawi ni Tyrone.

"Anong gagawin niyo?"

Biglang dumagundong ang kaba ng puso ko ng kunin nila si Tyrone na nakaupo sa sahig at pinatayo.

Tatakbo na sana ako para kunin siya kaso natigilan ako ng biglang sinuntok ni Tyrone ang dalawang lalaki pagkatayo niya.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng mahigpit ni Kintkeil sa kanang braso ko para hindi ako makalapit kay Tyrone. Kalaunan ay brinaso niya ako sa leeg.

"Ano ba!! Hindi ako makahinga!"

Napatingin sa akin si Tyrone na hingal na hingal pagkatapos mapatumba ang dalawang lalaki.

"Airah."

Rinig kong sabi niya. Nagkatitigan kami sa mata at nag aalala siya sa akin.

"Pakawalan mo siya!" galit na utos ni Tyrone kay Kintkeil. Kahit malayo siya ng ilang metro sa amin ay nakikita ko ang pang lilisik ng kanyang mata.

"Sino nagsabing pakakawalan ko ang girlfriend ko?"

"She's not your girlfriend anymore!"

Tangina 'tong puso ko. Triple yung bilis o mas higit pa sa triple. Ito na yung isa sa mga kinakatakutan ko eh. Ang paghaharap nila.

HER SECRETWhere stories live. Discover now