Chapter 5: Promises

379 26 6
                                    

Sobrang lamig, dahil ang lakas ng ulan. Kagabi umuulan buti na lang naihatid na ako ni Adrian dito sa bahay. Nakaupo ako dito sa balcony namin at umiinom ng kape, nang marining kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Mary claire!" Sa boses pa lang alam kong si Adrian, bakit basang-basa siya?. "Anong ginagawa mo dyan? Basang-basa ka na oh. Magkakasakit ka niyan, sumilong ka muna". Baka mamaya magkasakit talaga siya, kawawa naman si tita.

"Halika dito, samahan mo ko" sigaw niya. "Ang lami kaya" pagdadahilan ko. "Sige na, wala akong kasama eh" nagpapaawa siya. Dahil hindi ko siya matiis sinamahan ko siya.

"Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong maligo sa ulan? Magkakasakit tay----" di ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Adrian. "Thank you" sabi niya. Habang hawak niya ang magkabilang kamay ko. "Gusto ko ng yakapsul" sabi ko sa kaniya habang naka puppy eyes ako, sana gumana ka please.

"Huh, yakapsul. Ano yon?" He asked. Ang slow talaga ng kumag na to. (Pooook!) "Ouch! Ang sakit ng ulo ko, bat mo ko binatukan?" Reklamo niya habang himas niya ang ulo niya kung saan ko siya pinokpok. Ang slow kasi eh. Nangangatog na ako sa lamig.

"Alam mo ba ang gwapo mo sana kaso ang sl----" at bigla niya akong niyakap. "Alam mo rin bang bagay tayong dalawa?" Bulong niya sa akin. "Huh? Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.  "Silly. Sabi ko alam mo ang bagay tayo kasi ang slow mo rin". Bawi rin niyang sabi.

Silence...
Silence...
Silence...

Hindi pa ako nakakabawi, nagsalita ulit siya. "Promise me you won't leave me". Nakayakap pa rin siya sa akin at wala akong planong umalis sa yaka niya. "Yes Adrian, promise I will not leave you. You also promise that you will never leave me no matter what". Yung lamig na nararamdaman ko kani-kanina lang halos di ko na maramdaman ngayon.

"Of course, mahal na ata kita eh" pag amin niya sa akin. Parang bombang sumabog yun sa pandinig ko. I pushed him softly and I asked him "Do you love me?" I repeat what he said.

"Oo, Mary Claire. Sana di ka magalit sa akin. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo rin ako. Natatakot akong aminin sayo kasi baka layuan mo ako pero di ko na kayang itago pa. Hayaan mo lang na mahalin kita sapat na yun para sa akin". Tumango na lang ako, hindi na ako nagsalit kasi hindi ko din naman alam anong sasabihin ko sa kaniya eh.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now