Chapter 9: When I saw him again

293 22 6
                                    

7 months na ang lumipas, at sa bawat araw na lagi akong sumisilip sa dati nilang bahay na nagbabakasakali na bumalik na siya pero hanggang ngayon wala pa rin. Akala ko noong una biro lang ang lahat, na panaginip ang lahat ng ito pero andito ako sa dati naming tambayan nina Anna, Marie, Adrian at Troy nakaupo habang binabalikan ang mga masasayang araw.

"Kamusta ka na?" Lumingon ako sa likod kung sino ang nagsalita, si Troy pala. "Okay lang ako. Ikaw?" Sabay talikod ko sa kanya. Naramdaman kong tumabi siya sa akin. "Siguro kung magiging artista ka, di ka sisikat. Kasi di ka naman magaling umarte eh" napabuntong hininga na lang ako. Alam kong masasaktan siya sa itatanong ko pero gusto ko lang malaman "Wala ka na bang balita kay Adrian? Di ba magkaibigan naman kayo? Di ba kayo nag-uusap, nagkikita? Atsa---" hindi ko natapos sasabihin ko dahil titig na titig sa akin si Troy.

Yumuko ako, "Sorry Troy! ayokong masaktan ka pero, namimiss ko na talaga si Adrian eh. Sabi niya di niya ako iiwan, nangako pa nga siya sa akin eh tapos hindi rin pala niya tinupad. Alam mo yung umaasa ka sa pangako, nakakagago lang". Habang sinasabi ko yun di ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit lang. May pangako siyang binitiwan.

"Wala talaga akong balita sa kaniya. Kung meron man sasabihin ko rin sa inyo, lalo na sa iyo. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Halos binago mo na sarili mo". Malungkot niyang sabi. Pati pala siya napansin niya ang pagbabago ko. Kaya naman mas pinili kong manahimik na lang, alam kong nasasaktan ko rin naman siya eh.

3 buwan pa ang lumipas, kasama sina Troy, Anna at Marie. Nagkukulitan, nagbibiruan at nag-aasaran kami. Ibinalik ko yung dating ako, tama nga sina Anna. Walang magandang maidudulot sa akin yung pagrerebeldeng ginawa ko. Malakong pasasalamat ko kasi tinanggap ulit nila ako. For keeps talaga sila. Nandito kami sa tambayan namin habang kumakain ng mga chicherya na kinuha ni Troy sa tindahan nila hahaha. Tatayo sana ako para kumuha ng tubig nang biglang may tumakip sa mata ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang kilala ko kung sino to, kasi sa kanya lang ako  nagkakaganito.

"Sino to?" Mas okay na yung sigurado, para iwas masaktan. "Hulaan mo?" Sa boses pa lang niya alam na alam ko kung sino talaga siya. 10 months na ang dumaan na hindi ko siya nakita pero kilalang-kilala ko pa rin siya. Ang weird lang.

"Pwede pakialis yung mga kamay mo sa mata ko kung ayaw mong masapak kita ng wala sa oras". Pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. "Natatandaan mo ba noong unang nagkabanggaan tayo, tinarayan mo ako hanggang ngayon ba naman?" May tampo sa boses niya.

Dali-dali akong humarap sa kanya at niyakap. Niyakap niya rin ako "Namiss kita Claire". Sa wakas, nakita ko na ulit yung nag-iisang lalaking minamahal ko sa mahabang panahon.

"Kurutin mo nga ako kung totoo talagang nasa harapan kita baka mam-" di ko natapos yumg sasabihin ko kasi binatukan ako ni Marie masakit yun "Ayan! Para maniwala kang hindi lang panaginip to". Paliwanag ni Marie. Tiningnan ko siya ng masama at inirapan "Akala ko nakalimutan mo na ako. Kaya hindi ka na bumalik. Alam mo bang ang tagal kitang hinintay?" Masayang-masaya kong sabi sa kaniya.

"Di ba nag promise ako sayo na babalikan kita. Kaya nandito ako". Lalo siyang gumwapo sa paningin ko, kailan kaya siya papangit sa paningin ko? hahahaha.

"Eheeem. May iba pa pong tao rito, baka naman po pwede wag kayong masyadong sweet. Masakit sa mata". Sabat ni Anna. "Hayaan mo na nga sila ngayon na nga lang sila nagkita" depensa naman ni Troy.

"Siya nga pala, kamusta na si tita?" Pag-iiba ko ng usapan. "Okay na siya, nandoon sa dating bahay. Inaayos niya mga gamit namin". Ano daw? "Ibig sabihin dito na ulit kayo titira ni tita?" Kabado kong tanong. Don't tell me na aalis ulit siya.

Tumango naman siya. "Kasama na namin si papa, nagkabalikan sila ulit". Mababakas mo sa mukha ni Adrian na masayang-masaya siya na nagkabalikan na ang mga magulang niya. Worth it ang lahat. "Wag kang mag-alala, aayain ko kayo sa susunod na araw sa bahay. Ipapakilala ko kayo kay papa" sabi niya sa amin lahat.

At napuno ng tawanan, hagikhikan, asaran ang dati naming tambayan na minsan naging tahimik dahil di na kami pumupunta dito. Ngayon masasabi kong masaya na ako at wala na akong mahihiling pang iba.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon