Chapter 16: Flower for you

214 16 0
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa gate. Lakad, takbo ang ginawa ko baka mamaya late na ako. Paakyat na sana ako ng 3rd floor ng biglang may humarang sa akin na lalaki, di ko naman kilala kung sino to.

"Ikaw si Mary claire di ba?" Ano kaya kailangan nito. "Bakit, may kailangan ka? Nagmamadali kai ako" Napansin kong parang may nakatago sa likod niya. At nagulat ako ng ilabas niya ang isang tangkay ng plastic rose. Anong drama ng isang to.

"Flower nga pala, may nagpapabigay sayo". Ngingiti-ngiti niya sabi, habang inaabot niya sa akin yung plastic rose.
"Galing kaynino to?" Habang inaamoy-amoy ko yung bulaklak, ang nakakatawa nilagyan ng pabango. Yung pang bata, Johnson cologne hahaha. "Kay Nikki" at napatingin ako sa kanya. "Sige, salamat" at umalis na ako. Ewan, kinilig ako hahahaha.

Nakarating na ako sa 5th floor, nang naisipan kon kurutin sarili ko. Araaaay! Masakit. Hinahaplos ko yung bahagi ng kamay ko kung saan ko kinurot ng bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. "Hindi mo naman kailangan kurutin sarili mo, kasi totoong binigyan kita ng bulaklak, pasensya na ah?. Kung plastic lang, yan lang kinaya ng pera ko eh. Atsaka parang feelings ko lang yan sayo, hindi malalanta". Bumanat pa ang gago hahahaha.

Kaya naman nag-isip agad ako ng sasabihin ko "Kung sayo to galing bakit iba inutusan mo, pwede naman ikaw na mismo?" Lord, sana po di niya mapansin na kinikilig ako. At dahil wala akong nakuhang kasagutan sa kanya, inaya ko na siyang pumasok na. Hindi kami magkaklase pero magkatabi yung room namin.

Putek! Maaga pa pala, may 30 minuted pa bago magsimula ang first subject namin kay ma'am Tiratira. "Goodmorning" bati sa akin ni Jheru. "Oh, dumating ka na pa---" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang nagtanong sa akin si Jheru "Kayninong galing to?" Tanong ni Jheru habang magkasalubong ang kilay niya sabay kuha ng bulaklak.

"Ahhh. Galing yan kay Nikki, ewan ko nga anong nakain ng mokong na yun at nagbigay ng bulaklak" at naalala ko yung nangyari kanina lang kaya naman napangiti ako. Hindi na nagsalita si Jheru. Kaya tumahimik na rin ako.

Tapos na yung second subject namin at recess na. Nakita ko si Nikki at nilapitan niya ako. "Mary claire, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Bat parang kabado siya? May nangyari ba?. Ang tagala naman ni Jheru, siya na ang inutusan kong bumili ng pagkain, kasi tinatamas akong pumunta sa canteen.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko. "Hmmm, gusto sana kitang ligawan". At napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Kinakaway niya yung kamay niya sa harapan ko at natauhan ako. "Paki ulit nga yung sinabi mo?" Nanginginig kong sabi, baka mamaya mali lang pagkakarinig ko. "Sabi ko, pwede bang manligaw sayo?" Nahihiya niyang sabi. Ayee! Marunong pa pala to mahiya hahaha.

Nataranta siya dahil hindi ako sumagot "Okay lang sa akin kung hindi mo pa masasagot ngayon, maghihintay ako. Promise!" Itinaas pa niya yung kamay niya na parang nanunumpa hahaha. Tumango na lang ako at nagpaalam na siya. Tamang-tama, nakabalik na si jheru. "Kinausap ka ni Nikki?" Tanomg ni Jheru habang ngumuguya ng foot long. Di ko siya sinagot hinayaan ko na lang siya at kumain na rin ako. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Samantalang kaninang kausap ko si Nikki, hindi ko naramdaman. Weird.

Nag-iisip ako ng magandang gagawin. Hayyyyys. Ano ba naman to. Mas magandang pag-isipan ko muna para di ako magsisi sa huli.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon