Chapter 5

4.1K 109 4
                                    

Jazz' Point of View

Nasa cafeteria kami ngayon at lumalafarge-- kami lang pala ni Majoy ang lumalafarge.

Napangiti na naman ako nang maalala ang nangyari kanina (about sa pagkainis ni bato, sa mga epic na mukha ng mga tao dito at ang pamumula nya..) Talaga bang namula 'yung isang 'yun? Baka naman nahiya lang o kaya may sakit pero kung hindi naman, well iba talaga ang nagagawa ng charm ko. *wink

"Oh, anong tinitingin-tingin nyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Parang hindi nage-exist ang mga pagkain sa harapan nila dahil nasa akin ang atensyon nila. Makatingin ang mga 'to, parang tatlo ang ulo ko ah.

"What's the real score between you and Xedrick?" Aba, umiingles ang lola Majoy nyo. Imprubing!

"Ahm, 9.8? Ay wait lang 1 to 100 ba?? Teka iisipin ko muna." Nag-act pa ako na parang nag-iisip. Pointing my forefinger to my temple. Napa-aww na lang ako nang bigla akong makatanggap ng batok mula kay Majoy.

"Shungaks!!" Litaniya niya.

"Ano ba kayo? M.U?" Tanong ni Liz sa akin. MU? Misunderstanding ba 'yun?

"Lovers?" Sambit naman ni Shee, bago sumubo ng damo.

"Magboyfriend girlfriend?" Tanong ulit ni Majoy.

"In a relationship?" Tanong ni Liz.

HIndi ko alam kung saan ako titingin dahil hindi sila magkanda-ugaga sa pagtatanong kaya heto ako at hindi din magkanda-ugaga sa pagtingin sa kanila.

Ano ba ito? Minsan na nga lang magkacrushlife ang dami pang tanong. Hindi ba pwedeng makisama na lang sa mga kilig-kilig moments ko? Minsan na nga lang tumigil sa pagiging rule breker dahil may inspirasyon eh... teka, nagcucutting pa pala ako pero at least hindi na ganun kadalas. Imprubing din ako!

"Ano mo ba sya?" Tila choir nilang tanong.

"Very very slight kras." Sagot ko bago ngumiti.

"Very very slight kras eh halos magchukchukan galore kayo dun sa may hallway." Maka-chukchukan galore ba ga naman. Epal din tong si Majoy.

"Kung ilapit mo yang mukha mo sa mukha nya. Sigurado kang crush mo lang 'yun?" HIndi makapaniwalang tanong ni Liz.

"Makalingkis nyang braso mo sa kanya? Are you trying to seduce him?" Naniningkit ang mata ni Shee bago magtanong.

Ang dami talagang epal at kontra-crushlife sa mundo. Palibhasa walang lovelife, buti pa ako.. kahit crushlife meron.

"Huwag nga kayong bitter dyan. Ang ampalaya kinakain hindi inuugali. Masyado kayong kontra."

Nag-sigh lang sila at pinagpatuloy ang pagkain.

Ganito ba talaga kapag may crush? Parang cloud 9? Parang rebisco na.. ang sarap ng feeling mo?

Lagot ka sa akin very very slight kras kapag ako ang natalo sa larong ginawa ko. Lagot ka sa akin pag nahulog ako sa'yo, sasabihin ko agad kay Haligi na ipakasal na tayo. Haha, lande. XD

***

"Hmmm.."

Nasa itaas ako ng puno at nag-aala humming bird. Cutting again, syempre. Tiningnan ko si Mr. VVSK (very very slight kras) katapat nitong puno na inakyat ko ang star section. Star section pala sya? 4-A lang kaming apat eh. Nakaupo sya malapit sa may bintana kaya kitang-kita ko sya. Matalino siguro 'to? Infairness sa kanya ha, mahaba ang pasensya nya natatagalan nya ang subject na Bio na hinding-hindi ko masikmura. Nung inattendan ko ang biology class namin nung isang araw, muntik na 'kong tumalon sa bintana. Kamalayan ko ba sa mga xy at xx na 'yun, di ko alam na pati science may ganun akala ko sa mathematics lang. (na kailangan pang hanapin ang x, x na nga diba? Ibig sabihin past na, bakit pa kailangang hanapin ang taong wala ng value? Na nang-iwan o hiniwalayan ka? Kaloka, humuhugot na 'ko ngayon? XD)

Kailangan pang alamin kung babae o lalaki ang magiging anak nung xy at xx. Malay ko ba dun, meron namang ultra-sound nagpapahirap pa ng estudyante. Kung hindi ko masikmura ang Bio, si Bato naman, close na close kay Bio.

Kumaway ako kay Mr. VVSK ng mapatingin sya sa gawi ko. Hala, san naman kaya 'yun susuot? Lumabas sa room nya eh.

Maka-idlip na nga lang.

"Who said that you may climb at that tree when you're wearing skirt?" Napamulat ako ng may biglang magsalita. Juzkopo may kakaiba bang elemento dito sa punong 'to? Pero sosyal naman ng elemento na 'yun, inglisero. Tumingin ako sa baba at nakita si Mr. VVSK na nakakunot ng noo.

"Catch me."

"I will." Dapat na ba akong kiligin?

Tumalon ako at bumagsak ng nakatayo sa tabi nya.

"I'm not yet falling." Diretsong sabi ko sa kanya. Ay, may balak kang mahulog ateng? Not yet, sigurado ka?

"I'm starting to fall, and when I fall I'll make sure that you're going to fall for me." Ansaveh?

"If you say so."

***

"Otaku alert~ Otaku alert~"

Nakaupo na ako sa may sofa habang nanunuod ng tv ng may biglang tumawag.

"Oh Raven, napatawag ka?"

[Good news, may mission na naassign sa team natin--]

"Okay."

Nagpalit na ako ng damit at nagpunta sa RIO. Dinala ko yung back pack kong isa na puro gadgets at armas ang laman.

"Oh anong atin?" Pagkapasok ko sa room namin, nadatnan ko sila na nakaupo paikot sa may sofa. Si Tanda lang ang nakatayo sa unahan, team captain eh.

"Mamayang seven o'clock may magaganap na transaction sa isang club. A teen club specifically. Ang may-ari at ang isang.. err-- sabihin na nating a friend of him ang magkakaroon ng transaksyon. This information is a tip from a friend." Sabi ni Tanda.

"Transaction of what?" Tanong ni Jama.

"Transaction of prohibited drugs, as always."

"And?" Gio

"And, syempre kailangang mahuli ang mga taong 'yon--" Pinutol ni Gio ang sinasabi ni Tanda. Belat nga sa'yo.

"I mean, what's the plan?" Tsk. Tsk. Tsk. May pagka-slow din talaga 'tong si Tanda.

"Hindi pwede ang tatlo (referring to Diserie, Hazel and Raven.) at si Jama." Hindi pa diniretsong kami ni Gio ang sa nakatoka eh.

"Kami ni Jama ang bahala sa paghahack ng security nila."

"So, a club huh?" Bulong ko.

***

Nag-ayos na kami ni Gio para sa mission mamaya. Actually masyado pang maaga, pero mas mabuti na 'yon. Nagpalit lang ako ng shorts at black checkered na three-fourths. Teen club naman 'yung pupuntahan namin kaya okay lang 'yang suot ko. Lumabas na ako sa cr, at nakita ko si Gio na nakacheckered din. As usual in a relationship na naman ang peg namin ni Gio, lagi naman. Sa tuwing kami ang naaasign laging ganun ang ganap namin para daw hindi makahalata, well effective nga, wala talagang nakakahalata sa motibo namin.

Sinuot na namin 'yung earpiece. Kinuha ko din yung sling bag na may lamang baril.

"Ready guys?"

"Of course." Sabi namin ni Gio.

***

half-edited HAHAHAHHA

Dedicated to :

@m09067073563 & @kittyai ~ Thank you for adding my story on your reading list. :)

@msCrush_08 ~ Thanks for the votes and comments. :)

Secret of Miss Enigmatic | under editingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora