Chapter 13 (2) : First date

334 15 13
                                    

"Ready?" Tanong ni Narda.

"Yes." Ngumiti si Regina at kumapit sa kamay n'ya.

"Huwag kang masyadong nagsasmile. Natutunaw ang puso ko." Kinindatan n'ya ito.

Napangisi si Narda ng makitang nagblush si Regina. Sino'ng mag-eexpect na magbablush pa ito gayong alam n'yang sanay na sanay ito sa compliments.

"It's really cute when you blush."

"Stop teasing me, will you?" Itinago nito ang namumulang mukha sa braso n'ya. Pilit na hinihila ang leather jacket n'ya para takpan ang sarili nitong mukha.

Natatawang inakbayan na lamang n'ya ito. Agad naman nitong ikinawit ang kamay sa bewang n'ya.

"Tara na nga.  Where do you want to go first?" Tanong n'ya habang naglalakad sila palabas ng parking lot.

"Ikaw. Saan mo ba gusto? Ikaw ang nagyaya na magdate tayo, 'di ba?"

"Oo nga naman. Ako nga pala nagyaya." Naiiling na napangiti na lamang s'ya.

Papasok na sila ng mall ng pinili n'yang tanggalin muna ang kamay na nakaakbay kay Regina.  Mahirap ng may makakilala dito at baka maissue pa.

"Why?" Kunot-noong tanong nito.

"Someone might see us. Baka ano na naman ang iissue nila sa'yo."

Imbis na magtampo kagaya kanina ay mabilis nitong hinuli ang kamay n'ya and intertwined it with hers.

"Holding hands nalang tayo.  Date natin 'to kaya dapat happy tayo.  We can do whatever we want kasi buhay natin 'to. Besides, may gawin man ako o wala nachichismis pa rin naman. Why will I care?" Hinila na s'ya nito papasok ng mall.

Napailing na lamang si Narda. "Tama naman s'ya... date namin 'to. Whatever negativity na nasa isip ko kailangan ko munang isantabi para maenjoy namin 'tong araw na 'to."

"Let's watch some movie?" Sabi n'ya rito habang magkahawak ng kamay pa rin sila at naglilibot sa loob ng mall.

"Hmmm... Narda?" Huminto ito malapit sa railings saka hinarap s'ya.  Seryoso ang mukha nito.

"Yes?" Parang kinabahan s'ya sa kung ano mang sasabihin nito.

"I just wanna let you know that i'm happy right now. Strolling around,  holding your hand,  walking side by side,  kahit ganito lang happy na ako. I had dated a lot of guys in the past.  Going out on cruise on private yatch,  dinners on fancy restaurants, been surprised with orchestras and bands but I was never been happier like I am now. Gusto ko lang malaman mo na happy ako na kasama kita ngayon. You don't have to make extra efforts just to make this day memorable. Ikaw lang, sapat na."

"Thank you. I'll keep that in mind." Tanging nasagot nalang ni Narda. Hindi n'ya rin malaman kung bakit s'ya kinikilig sa sinabi nito.

Magkahawak-kamay pa rin sila hanggang sa makarating sa may sinehan.

"Pwede bang ikaw nalang ang bumili ng tickets at hintayin mo nalang ako dito?  Bibili lang ako ng makakain natin." Saktong medyo mahaba pa ang pila kaya mabibili pa n'ya ang mga kailangang bilhin bago ito matapos sa pagbili ng ticket nila.

"Don't take too long, mamimiss kita agad."

"Mamaya nalang 'yong food. First things first." Patakbong tinungo ni Narda ang bilihan ng mga bulaklak.  Nadaanan nila ito kanina kaya naisip n'yang bigyan si Regina nito.

"Ops!" Kamuntikan na n'yang mabangga ang nakasalubong na matanda ng bigla itong humarang sa dadaanan n'ya. Mabuti nalang at mabilis n'yang nahawakan ang matanda bago ito natumba.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon