Chapter 32: A hot meet up

259 11 23
                                    

"It's 5 in the morning. Are you even aware of that, Narda Custodio?"

Nagulat s'ya ng magsalita si Elle kasabay ng pagswitch n'ya ng ilaw sa kwarto. Kakauwi n'ya lang galing sa party.

"Oh, hi! Wala ka bang sariling bahay,  miss? Tambay ka na yata dito ah."

Ibebeso sana n'ya si Elle ng pigilan s'ya nito. "Stop what you are about to do, Narda. Baka saan mo pa huling naihalik 'yang labi mong 'yan."

She chuckled as she reached for a bottle of water from the fridge.

"You and your dirty mind, miss." She grinned at her as she emptied the water bottle. Water dripping from the side of her mouth to her chin. She eyed her as she dries the water with the hem of her crumpled shirt.

She saw her stare at her exposed sexy abs but eventually look away instantly as if she didn't see anything interesting.

Napailing s'ya. Kay Elle lang talaga hindi gumagana ang panunukso n'ya. Nakamove on na talaga ito mula sa pagpapakatanga sa kanya dati.

"Kailan ka ba magseseryoso, Narda? When will you change your ways? Napapagod na akong pagsabihan ka ha?" Tumayo ito mula sa kinauupuan saka nagpalakad-lakad sa harap n'ya.

Pasalampak s'yang humiga sa kama saka piniling pumikit. Alam n'yang maglilitanya na naman ito.

"I love you, Elle. But please stop mimicking dad, will you?"

"I wish nandito nga ang parents mo. Nakakapagod ka ng sawayin, Narda. Hindi lang talaga bestfriend ang role ko sa buhay mo 'no? Tinalo ko pa ang nanenermon ng asawa sa ginagawa ko palagi."

"Shhh! I'm tired. Go home and get a life." Iwinagayway n'ya ang kamay sa hangin na para bang pinapaalis n'ya ito sa harapan n'ya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Narda! Malala ka na! I hope may magawa pa s'ya para ayusin ka." Napabuntong-hininga si Elle habang naiiling.

Wala s'yang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Mas gusto n'yang matulog kaysa makipag-usap dito.

"Up! Up! You got some work to do." Hinila nito ang manggas ng t-shirt na suot n'ya.

"What? Why? I need to rest, Elle. Huwag ka ngang makulit."

"Nasa Pilipinas na 'yong bagong model na kinuha ko for 'maldita collection'. Baka naman gusto mo s'yang iwelcome and watch her pre-pictorial sa BGC?" Mas lalo lang nitong hinila ang tshirt n'ya ng sinubukan n'yang takpan ng unan ang mukha n'ya.

"Okay! Stop! Babangon na ako. Bakit ba atat ka yatang makita at makilala ko ang model na 'yon ha? Maganda ba? Do you think she's also good in bed just like the previous models? Masyado bang hot?"

Kinuha ni Elle ang unan at isinampal sa mukha n'ya. "Stop fooling around and get serious, Narda!" Pagalit na singhal nito sa kanya.

Huminga s'ya ng malalim at hinawakan ang kamay ng nag-aalburutong si Elle. "Ginawa ko naman dati 'yan, 'di ba? May napala ba ako aside from heartache and pain, Elle? Mas gugustuhin ko nalang ang ganito... playing around and  fooling around. Atleast they know the real score, hindi 'yong akala mo sineseryoso ka, iyon pala pinaglalaruan ka lang din pala."

Bigla namang lumamlam ang titig nito sa kanya.

"Stop! Alam mong ayaw kong kinakaawaan ako, 'di ba? Iwan mo nalang ang address kung saan 'yong photoshoot sa dresser. Maliligo lang ako."

Tinalikuran na n'ya si Elle bago pa ito makapagsalita.

Binuksan n'ya ang shower at nilinis ang katawang napuno yata ng lipstick at laway.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant