Chapter 57: Nag-usap lang daw sila

226 11 11
                                    

“Love! Talk mo me please. Kanina mo pa ako hindi kinikibo."

Napaangat ang mukha ni Narda mula sa binabasang libro ng umupo si Regina sa lap n'ya.

"Why? Hindi ba mas masarap naman kausap 'yong katawagan mo sa phone kanina?"

Napalabi si Regina. Kaagad din namang napangiti at wari'y tuwang-tuwa pa sa nakabusangot na mukha ni Narda.

"Don't tell me you're jealous?"

Napabuntong-hininga si Narda. She has never been the jealous type of a lover but with Regina? It seems like everything has changed. Hindi n'ya alam kung bakit sobra s'yang affected kapag may nakikitang ibang kausap si Regina, mapapersonal man o sa phone.

"What if I am? May magagawa ka ba, Regina?" Tinaasan n'ya ito ng kilay at binalik ang atensyon sa binabasa.

Regina grab the book from her hand. Tinanggal din nito ang suot na reading eyeglasses ni Narda, umupo paharap sa kanya at niyakap s'ya nito.

"I don't want you to get jealous, Narda. Not with anything."

Napabuntong-hininga na lang si Narda. Nawala na naman kaagad-agad ang tampo n'ya dahil sa pagiging sweet ni Regina. "Hmmm... sino ba kasi 'yong tinatawagan mo kanina?"

"I didn't call anyone. Brian called me asking for our whereabouts."

Tumaas ulit ang kilay ni Narda ng marinig ang pangalan ng lalaki. "Bakit kailangan n'yang malaman? Sinabi mo ba kung nasaan tayo?"

"He want to come with us here. No! Hindi pa. But I was about to ask you for our location and send him a message afterwards."

"Sino ang may sabi na pwede s'yang sumunod dito? I want you for myself alone... siguro naman malinaw sa'yo 'yon, Regina? Hindi sa naghihigpit ako pero hindi ko talaga gusto ang pagsulpot-sulpot n'ya at pagsunod-sunod sa'yo. Yeah, I made adjustments for that PR thing in the past pero hindi na ngayon. I don't want to see you with him anymore."

"But, Narda!"

"Okay, Regina. Pwede ka namang mamili eh. Pwede naman kitang ipasundo dito sa chopper kung gusto mo ng umuwi ng Manila just to be with that guy. You choose, me or him?"

"But, love! Friend ko naman s'ya eh. Wala namang malisya sa akin kung magkakasama kami."

"Sa'yo siguro wala, eh sa kanya ba?" Itinayo ni Narda si Regina mula sa lap n'ya.

"We have 3 days to waste before the photoshoot. It depends upon you on how you want to spend it. I've made up my mind, Regina. Gusto ko ako lang. Kung ayaw mo, you're free to leave anytime. Magsabi ka lang kung mas gusto mo s'yang makasama kaysa sa akin."

"Pero, Narda... don't be so immature!"

Umiling si Narda. "No! I'm not. Hindi ba gusto mong tumira dito kasama ako? Gusto mong igive up natin lahat para magkasama na tayo at makapamuhay ng tahimik? Then show me that you're deserving of that sacrifice! Show me that I can count on you fully and that I can trust you!"

Tinalikuran na n'ya ito at pumasok sa bahay. Dati naman ng nagkakasamang lumabas sina Brian at Regina, mas nauna pa ngang nagkakilala ang dalawa kaysa sa kanila. Pero hindi talaga gusto ni Narda na nagdididikit si Brian sa girlfriend n'ya.

________________

The next 3 days had been like hell for the two. They never said a word with each other kahit pa nasa iisang bahay lang sila, kahit nasa iisang kwarto lang, kahit magkatabi lang sa kama.

"Can I talk to the both of you, guys?"

Napalingon ang dalawa sa photographer habang nireretouch ang mga make-up nila.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon