CHAPTER 3

37 21 0
                                    


CHAINED TO AN UNCHOSEN FAITH

Krizzybabes

CHAPTER 3

"Daddy!" Huma-hangos na tawag ko sa daddy ko dahil sa katatakbo paakyat sa kwartong kinaroroonan ni mommy dito sa hospital. Agad naman nya akong nilingon at sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Demirine anak, ayos ka lang ba? How are you?" He asked as he cupped my face. Napatitig ito sa namumugto kong mga mata at agad na sumilay ang pag aalala sa may edad ngunit gwapo nitong mukha.

"How's mom dad?"

"Your mom will be better soon, nanghihina pa sya but she will be alright soon. Ikaw, bakit namumugto yang mga mata mo? Is everything alright my baby?" He asked pero sinagot ko lamang ito ng mahigpit na yakap at pag hagulgol ng iyak sa kaniyang mga bisig. "Hey, what's the matter anak? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nito habang hinahagod ang likuran ko.

"I-I'm sorry, kung hindi dahil sakin hindi ito mangyayari kay mommy. So sorry Daddy, hindi man lang ako nag isip ng mga possibilities na pwedeng mangyari bago ako gumawa ng desisyon." Iyak ko sa kanya. "I know this is all my fault I'm sorry," I added kaya agad nya akong inalo.

"Shhhhh, it's ok Demi your mom will be alright ok? Wag ka ng umiyak." Ika nito habang hinahagod ang likod ko para patahanin. " Sige na, pasok ka na sa loob anak para makita mo ang mommy mo. Tahan na ok?" Sabi nito ng medyo lumayo ako sa mga balikat nya.

Agad nya akong inalalayan papasok sa loob ng kwarto kung nasaan si mommy at naabutan kong nandoon ang dalawa ko pang kapatid na nakaupo sa gilid nang higaan ng aming ina. Sabay silang napabaling sa amin nang makapasok kami sa loob ni daddy at agad namang tumayo ang ate kong galit na makita ako.

"What the hell are you doing here?" Galit na tanong nito sakin kaya hindi ko maiwasang pangiliran ng luha.

"Ang kapal pa din naman ng mukha mong mag pakita dito eh, no?" Kalmadong tanong ni kuya Denzel ngunit batid kong nanggagaliiti rin sa galit.

"Denzel, Dianna, don't talk to your sister that way!" May diing ika ni daddy sa dalawa kaya mas lalong nainis ang mukha ni ate Dianna.

"Don't talk to her this way?! My goodness, Dad, she was the reason why mom's here at the hospital and in a critical condition!" Galit at may diing sabi nito. "Look what she has done, na cancel lahat ng shootings at interviews namin ni kuya because of this bitch." Galit na ika nito sabay duro sakin kaya napayuko ako.

"Don't you dare call your sister like that Dianna!" Galit nang sigaw ni daddy kaya natahimik ito. "May ginawa ka rin'g mga kasalanan noon, may ginawa rin kayong mga mali, did you ever hear me call you those names para gawin mo rin sa kapatid mo?" Galit na sigaw nito kaya napayuko si ate. Pasimple naman akong sinamaan ng tingin ni kuya kaya napayuko ako habang tahimik na lumuluha.

"I-Im sorry, hindi ko naman po sinasadya ate, kuya. I know that it's my fault and I should be the one to blame but believe me, I wasn't expecting this to happen. I was just so stressed and I needed some break kaya pinili kong i-block yung number nila I'm so sorry." Umiiyak ng ani ko.

Padabog na tumayo si kuya Denzel dahil sa sinabi ko kaya napaigtad ako. "Bullshit!" Gigil na sigaw nito at kinuha ang mga gamit nila. "Oras na may mangyari kay mommy mananagot ka talaga sakin Demirine Tatiana, always remember that!" May pag babantang sabi nito kaya nanginig ako sa takot sa kaniya.

CHAINED TO AN UNCHOSEN FAITHWhere stories live. Discover now