CHAPTER 5: WEDDING DAY

39 21 4
                                    

CHAINED TO AN UNCHOSEN FAITH

Krizzybabes

Nandito ako ngayon sa harapan ng altar kinakabahan habang hinihintay ko ang bride ko. But unlike other grooms out there na takot na hindi sumipot ang bride nila ay baliktad naman yung sakin, ako yung natatakot na baka sumipot yung babaeng yun sa mismong araw na ito at the very same time ay kinakabahan dahil ngayon ko na makikilala ang misteryusong pagkatao ng mapapangasawa ko, ang hindi kilalang anak ng mga Lopez. Si Demirine Tatiana Lopez.

Isang simpleng wedding celebration lang din ang aming kasal na hindi ko alam na matagal na pala nilang pinag handaan nang hindi ko man lang nalalaman o namamalayan. Halos isang linggo lang ang preparations para dito at kagabi lang inamin sakin ni mommy na matagal nang napag planuhan ang celebration na ito, nang hindi namin nalalaman ng babaeng iyon. "Hey bud, ok ka lang?" Tanong ni Cairo na sya'ng best man ko. Piling tao lang din kasi ang imbetado sa garden wedding na ito, mga kakilala, kamag anak at kaibigan lang ng both families, Evangelista at mga Lopez at lahat ng mga dumalo sa side namin ay pawang mga kaibigan lang ng parents ko at tanging sina Cairo, Ethan at Lendon lang ang tanging bisita ko. Sabi kasi ni mommy sa susunod na kasal na lang daw namin ni Demirine ang bonggang kasal, kapag nainlove na kami sa isa't isa.

Tsk! Kalokohan.

"Hoy! Ayos ka lang? Kanina k moapa tulala dyan!" Natatawang tapik nito saking muli kaya natigil ako sa aking pag iisip. "Kinakabahan ka bud no? Siguro iniisip mo kung anong itsura ng mapapangasawa mo kaya kandatulala ka dyan?" Nakangising tanong nito kaya hindi ko na sya pinansin. "Ayaw mo nyan bud, pa-misterious effect pa yung bride mo, diba? Ang exciting." Dagdag pa nito tsaka binuntunan pa ng tawa pero deadma ko lang.

"Alam mo bud, may nabasa akong mga haka-haka dyan sa mapapangasawa mo. Si Demirine Tatiana Lopez right?" Tanong nito na pinakikinggan ko nalang habang umaakto na walang interest sa mga sinasabi nya. "According dun sa mga nabasa ko, si Demirine Tatiana Lopez raw yung pinaka magandang anak ni Mr. and Mrs. Lopez, mas maganda daw yun kaysa sa ate nitong si Dianna Alesteir Lopez, maraming nag sasabi na totoo daw yun pero marami din ang nag sasabi na si Demirine daw talaga ang pangit sa kanilang mag kakapatid kaya tinatago sya sa publiko ng mga magulang nila. Kapag naman may lumalabas na picture nya sa internet hindi yung nag tatagal ng tatlong pung minuto dahil binabayaran ng pamilya nila para hindi kumalat ". Nanahimik lang ako at hinayaan lang syang dumada sa gilid ko.

Alam ko naman kasi yung sinasabi nya, nakalimutan nya ata na kasama nila ako no'ng nag hanap sila ng mga article at chismis tungkol sa mapapangasawa ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil napaka misteryuso naman nga talaga ng bunsong anak ng mga Lopez na si Demirine Tatiana. Kahit ako ay na curious din sa babae no'ng kahit anong halungkat namin sa Internet ay wala kaming mahanap na kahit Isang picture man lang nya. Kung meron man ay yung mga naka facemask at salamin sya o 'di kaya'y nakatakip lalo na sa mga pictures na kasama nya yung mommy nya, mga kuha ng mga reporters o paparazzi.

"Pero ako bud, I'll stick to the second choice. Yung article na sya yung nag sasabing pangit sya?" Dagdag pa nito sa patanong na boses.

"Why?" Tanong ko rin. Ang alam ko lang kasi ay pare-parehas silang tatlo ng stand tungkol dito dahil doon yung palagay nila but I don't really know the reason why iyon ang pinaniniwalaan nila.

CHAINED TO AN UNCHOSEN FAITHWhere stories live. Discover now