Chapter 5

11 0 0
                                    

I declined his video call. Ayoko makipag-usap sa 'di kilala, maya mapariwara pa buhay ko.

Natulog nalang ako nang may irita sa mukha ko.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Nagising ako ng alas-siete. Wala akong gana kumain especially kakasuka ko palang ng kinain ko.

Nanood nalang ako ng TV hanggang sa antukin.

I just realized na ganito talaga ka boring buhay ko, hah, what went wrong Maria Letizia Ackerman? I smiled bitterly sa tanong ko sa sarili.

If we weren't like this, siguro may ramen dito sa table na may dalawang tumbler ng tubig...

At napagsasabihan ng problema kasi magaling siya mag-advise.

But what went wrong Maria? After Von died, you became so distant unlike before na kahit sira na ang friendship natin ay naghahabol ka sa akin.

I laughed silently at pinatay ang TV. There's no time to think about her.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Nagising na ako. Matirik ang araw sa bandang couch dahil nasa malapit ito sa bintana na pagkalaki-laki.

I realized nakatulog pala ako sa couch. Limpak limpak na messages ang tumumbad sa cellphone ko. I ignored it at nagpunta sa cr para mag prepare ng sarili at maligo.

After that, I chose a better outfit, lalabas ako upang magliwaliw. And of course, may maipangbrag sa Instagram.

Well, gan'on talaga ako, ganito lang silbi ko bilang isang Sariaya, fuck, I'm jealous of the duchess.

Marami siyang napagawa, may pina-aral siya na mahirap lang sa United Kingdom, tinulungan niya ang mga businessmen and businesswoman na may small business, ang mga politiko ay tinulungan rin niya in terms of agriculture and such.

Tapos ako ni isa wala man nagawa.

Napailing ako. Huwag.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Nagtungo ako sa Pampanga, sa court kung saan first time namin nakasama si Maria sa mini auction.

Pinagmasdan ko ang court, ang mga kalalakihan ay naglalaro ng basketball, ang mga kababaihan ay nakaupo at chine-cheer ang mga lalaki, ang iba pa nga ay nagtitilian, siguro kasi naglalaro crush nila.

Ang mga bata ay abala katatakbo habang ang mga matatanda ay abala sa chismis.

Pinagmasdan ko ang entablado, ang araw na kaming dalawa ay nasa iisang stage, speaking our congratulations to those people.

I smiled bitterly, ngunit bumalik lang ito sa dati nang may kumalabit.

Isang bata. Pawisin ang itsura nito, nakasando lang ito na cartoon print ang itsura ng pananamit at naka tsinelas.

"Ate, taga rito po ba kayo?" he asked, sa pananamit ko talaga maiisip nila na hindi ako taga rito.

Umiling ako. Nagulat ako nang kunin siya ng kapatid. "hala ate sorry buti nalang nakita mo po siya— miss Thraia Rose?" nanlaki ang mga mata ko nang makilala ako ng dalaga.

Think of a reason Rose!

"Baka nagkakamali kayo ng—"

"KUYA! NANDITO 'YUNG LODI MO!" madaling takbo ng dalaga kasama ang bata. "hintay ate!" aniya ng bata siguro dahil na rin sa bilis ng takbo niya.

I didn't realize na nakatingin pala sa akin mga tao, ang mga lalaki ay nagsitigil sa paglalaro, ang mga babae ay nakatingin sa akin ng matalim, ang iba ay humahanga sa akin at ang iba ay pinandidirian ako.

Siguro dahil sa aesthetic kong pananamit.
Bumalik ang dalaga kasama ang lalaking...

NAKITA KO SA MALL!

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

"You guys look so cute together" aniya ng dalaga na Eli pala ang pangalan. "tumahimik ka nga Eli" singhal ng lalaking si Joshua pala, or Josh ang tawag.

Natatawa nalang ako sa salita nilang dalawa. Tahimik lang ang bunso nilang kapatid na si Kei.

I patted the head of the kid and he giggled.
The sibling combination is cute though lalo na ang dalawa na magkasundong-magkasundo.

Sana may kapatid ako para ganito ang gawain namin.

"Uhmm... Oo nga po pala miss Rose, bakit ka nga po pala narito? Baka po kasi..." usal ni Eli.

"Pagpapahangin lang, may kaunting... " I stared at the teenager's face.

Nag-isip ako ng rason. "may kaunting hidwaan kami ng family ko" close to reality pero ito nalang sinabi ko.

May hidwaan kami ni Maria

Napatingin ako sa mga tao. Baka maya nasa article na ako.

Hayop, tangina!

"Ahh" he said, ngumiti lang ako. "what if diretso ka muna sa bahay namin, grabe tingin ng mga tao rito oh" suhestiyon ni Joshua. Tumango ako at naglakad kami papunta sa bahay nila.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Ang bahay nila ay katamtaman lang para sa kanilang lima. "oo nga pala Josh anak— sino 'yang kasama mo?" ngiting panimula ng matandang babae, siguro mga nasa 50s.

"Ay oo nga po pala ma, si ano—"

"Thraia Rose" aniya ko, hindi ko sinabi ang apelyido ko dahil hindi naman ito applyan ng trabaho para sabihin buo kong pangalan.

"Ang ganda ng iyong pangalan hija, ako nga pala si Cristina Reeves" pakilala ng matanda. "tawagin mo nalang akong tita Tina" aniya.

"Good afternoon po tita Tina" pagbati ko. I stared at the feature of this house, tama lang para masabi ito na lower middle class sila.

Kaunti lang disenyo rito hindi kagaya sa amin na puro palamuti, agaw pansin ang painting ni Leonardo Da Vinci na the last supper na nasa hapag kainan.

Wala kami ganitong painting.
"Sensya na hija wala kaming merienda" tumango ako. "I understand po tita, and beside diet din po ako"

May eating disorder ako.

"Mabuti kung gan'on" aniya ng matanda.
Nag-usap kami ng pamilya niya, tanging pagtitinda ng gulay sa palengke at pagbibiyahe sa jeep ang trabaho nila, si Eli ay grade 10 na habang si Kei ay grade 3 palang, si Joshua ay nag-aaral sa isang college dito sa Pampanga.

Hindi ko na pala namamalayan na pagabi na pala.

"Ay tita, aalis na po ako, babalik na po ako sa Manila, have a good evening po" paalam ko sa kanila.

"Joshua samahan mo ito" tawag ni Tita sa binata, sumunod ang binata at hinatid ako.
Habang nasa gitna ng daan, napatingin ako sa mukha niya, naka two block ang hairstyle nito, kagaya ng anak ng vice mayor sa Sariaya na si Luisito.

Kulay brown kagaya ng honey ang mga mata nito, katamtaman lang ang tangos ng ilong nito at manipis at kissable na labi!

O to the M to the G kinikilig ako sa features niya!

We talked about few things, pinuri rin niya ako sa songwriting skills at boses ko.

Nakarating na kami sa court, nagpaalam na ako sa kanya.

"Mag-ingat ka ah" aniya ko sa lalaki. Tumango siya sa akin. "ikaw rin Rose, mag-ingat ka sa byahe"

I smiled at kumindat. Pinaandar ko na ang kotse at umalis na.

Somehow, my pain go away like magic.

Hope we met somewhere in Manila soon.

Enchanted Series #2: Not Where the Storyline Ends Where stories live. Discover now