Chapter 15

1 0 0
                                    

One month later...

Isang buwan na simula nung magkita kami ni Joshua. Mabuti nalang at walang masyadong nakakakilala sa akin dahil sa huwad kong itsura.

I used my alias at gumagamit ako ng itim na hime cut na wig at blue contact lenses upang magmukha akong ibang tao. But Joshua knows who I am.

"A layered necklace? It looks better on you" he said habang nakatitig sa shopee app.
Naghahanap siya ng layered necklace upang bilhan niya ako n'on kahit sinabi kong huwag niyang sayangin ang kanyang pera kakabili ng mga gusto ko.

"Why? I want you to look better"

"I'm already better" tanging tugon ko. I pouted nang makita ko siyang nag-add to cart ng moon and star layered necklace na babagay sa akin.

"Like the star, you'll be the one that I'll look forward to as my moon" aniya niya sabay tingin sa akin.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Nakauwi na ako sa condo ko nang mamataan kong wala si Anna. I searched for every corner pero wala siya.

I saw the letter and she left a note.

'Aalis muna ako, Rose. I need further investigations about Theo Sariaya. There's a witness that I need to interrogate. Nagsabi siya na si Luisito Alvarez ang may pakana ng lahat ng ito. But I need concrete evidence upang ipaglaban si lolo. I left a leftover honey glazed chicken and fried rice. Kumain ka na dyan and bukas o mamaya ay babalik ako dyan'

That's the letter written in the paper. Matagal ko na ring pinaghihinalaan si Luisito... And wait!
Kung ang testigong 'yon ay makakapagpatunay na ang lalaki nga ang nakapatay sa aking lolo, he should hide himself!

The whole Alvarez family can track and kill him and his family!

I chatted Anna pero hindi siya active sa messenger, to tell her na sabihin sa witness na mag-ingat dahil hindi puchu-puchu ang pinuntahan niya rito.

Ugh!

Anyways, I decided to chat her nalang, baka in case na magbukas siya, ay ma-seen niya ang mga chats ko.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Kinabukasan ay nakarating na sa condo si Anna, at seryoso ang kanyang mukha ngayon. Mukhang inabot siya ng gabi ngayon ah.

"May progress na ba?" I asked her ngunit wala akong narinig na sagot. "nakakapanggigil" ang tangi kong narinig na saad niya.

"Bakit?" I asked. Ngayon ko lang nakita ngayong nasa iisang bubong kami na nagbago ang timpla ng mukha niya.

"That witness threatened me that the Alvarez will be after me if I dare to dig down further" aniya. Ngunit hindi ba magkaibigan ang Alvarez at Sariaya? Even lolo treated Luisito's father as his child, pero anong nangyayari?

"Rose, mukhang malabo... Mukhang wala tayong mahahanap na impormasyon tungkol kay-"

"There's news, Anna!" narinig kong boses ng isang lalaki na sa isip ko ay kasama niyang mag-imbestiga.

Napataas ang kaliwang kilay ng babae. "I recorded of what he said, kung hindi ko pa tinuluyang tanggalin mga daliri ng hayop na 'yon eh" saad pa ng lalaki at binuksan ang recorder ng cellphone niya.

Muntik akong masuka sa huling sinabi ng lalaki tungkol sa ginawa niya sa lalaki.

"Of course he'll say something, nawalan ba naman ng daliri" komento ni Anna at humagikgik.

Pinakinggan ko ang sinabi ng witness sa recorder. Napatutop ako nang marinig ko ang nakakadiring plano nila mula kay lolo hanggang sa akin.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

"Thank you" walang gana kong sabi nang nagpaalam na ang lalaking kasama ni Anna sa pagi-imbestiga.

"You're welcome, and besides, you can investigate further. Day off ko kasi bukas eh may kailangang bantayan" saad ng babae at umalis na ang bisita. His name is Rucio and he's Anna's apprentice.

Napa-isip ako, bagay talaga sila.

"Kumain ka na?" she asked. Tumango ako. She realized about my condition again kaya hindi na siya nag-alok na sumabay ako sa kanya sa pagkain.

"Rucio is pretty well, right?" panimula ko at nakatitig lang sa kanya. "oo naman" she agreed, but I could tell na hindi niya gusto ang lalaki at kaibigan o assistant ang tingin niya rito.

But I decided to trigger some buttons. "may gusto ka ba roon?" masungit na nakatingin sa akin ang babae at ibinaba nalang ang ulo, abala sa pagt-trace ng imbestigasyon. "wala" she only answered.

Tumango tango nalang ako and yawned. "ikaw, matulog ka na. I can do this by myself"

"Sino ba gusto mo, Anna? Wala pa akong naririnig sa'yo about your crushes or someone that you're in love with" dumighay ako at umupo ng wagas sa couch.

Napa-hmmm si Anna sabay tingin sa akin. Ngunit binaling niya agad sa papel ang kanyang titig.

"You might dislike what am I going to say kung malalaman mo sino"

Huh? Dislike? Anong ikaaayaw ko sa kung sino ang gusto niya? Hindi naman siya ganito dati...

Or don't tell me... Si Joshua ang nagugustuhan niya?!

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Oh my goodness, hindi ako makapaniwala sa nangyari last week.

Kagulat si Anna! Akala ko ba iba kami ng interest sa lalaki? Bakit siya nagkakagusto sa lalaking gusto ko?

What should I do? Grabe naman itong moments na ito.

'Inhale, exhale, hinga lang Thraia Rose. Malay mo hindi naman siya ang gusto niya, right?'

'Pero hindi katanggap-tanggap sa akin ito! She knows that he's my number one fan pero hindi naman siya aabot sa puntong that she's trying her best upang mapalapit sa lalaki!'

"May problema po ba, Aria?" bigla akong bumalik sa huwisyo nang tanungin ako ni Joshua ukol sa nangyayari sa akin ngayon.

"Ah. Wala. Bakit mo naman naitanong?" I asked at kunyaring abala sa kakatingin sa mga pagkain rito sa buffet. This time, KKB kaming dalawa.

Pero nag-share ako ng pera sa kanya pambayad rito sa buffet.

Masasarap at nakakatakam ang mga pagkain rito. Mula sa crispy pata hanggang sa desserts, tila ayokong umatras sa ganitong kainan.

But my concert is near and kailangan ayusin ko diet ko, boses ko, and more. My bulimia and mental health is draining.

Lalo pa't ang mga magulang ko ay atat na atat na ituloy ang kasal sa pagitan naming dalawa ni Luisito.

Damn, if I figured everything out...

I'll do everything to put him in his place.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

"Ayos ka lang po ba Aria?" tanong ni Joshua sa akin nang makita niya akong tulala. Ay, gagi.
Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain samantalang siya ay nasa kalahati na.

Tumango ako at nagpatuloy sa kinakain. Until now, their plans of letting me marry that bastard infuriates me.

Nakatingin lang ako kay Joshua na kumakain. His jawline and the way he stares at me...

Sa milyong-milyon na lalaki dito sa mundo, bakit ayaw nila akong payagan magmahal ng kung sino maliban sa taong gusto nila para sa akin?

Enchanted Series #2: Not Where the Storyline Ends Where stories live. Discover now