Chapter 24

8 2 3
                                    

(AUTHOR'S POV)

         Paglabas palang nila ay madaming naghihintay sa kanya ang mga fans niya at mga photo journalist. Kanya-kanyang click ang mga fans at ganoon narin ang mga photo journalist.

"Miss Caroline I like you!" Sigaw ng isang lalaki.

"Miss Caroline Your so beautiful!"

"You are so sexy Miss Caroline!"

      Nagwave lang siya ng kamay sa kanyang mga fans at sinamahan narin ng isang malapad at matamis na ngiti.

May nagsisingitan na magpapa-autograph ay binigyan niya ng chance at ang iba ay pinirmahan ang kanilang kwaderno at ang iba ay sa likod ng damit. Ang iba ay ang kanyang magazines at nagpapictures din ang iba. Halos hindi na siya padaanin ng kanyang mga fans ay tanging anim na bodyguard mismo ang humarang sa mga fans at pinoprotektahan siya upang makalusot papunta sa kotse.

Nang makalusot na sila ay daling pumasok sa loob si Cutie sa sasakyan. Ganoon narin ang mga dalawang body guard at ang kanyang tita. Ang apat na body guard ay nasa kabilang kotse. Mabilis na pinaharurot ng driver ang kotse at nilisan ang mga fans na panay tawag parin sa kanyang pangalan.




(CLEAR POV)


         Iyong dati na pangarap ko lang na maging kaklase ko si Seth ay natupad. Kaklase ko siya mula senior high dahil nga naabutan kami ng K to 12 hindi tulad nila kuya ay hindi nila naabutan ang K to 12 program. Graduating college kaming dalawa sa kursong Bachelor of Science in Architecture.
         Hinintay ko siya sa labas ng campus para sabay kaming dalawa umuwi sa aming magkatabing apartment. Lumabas na siya at nakangiti ito nang ako'y kanyang nakita.
        
"Tara na?" wika ko at tumango lang siya at siya na mismo ang nagmaneho sa kotse na pinagamit ni papa para daw sa aming dalawa. Halatang gusto ni papa si Seth para sa akin. Tahimik lang kaming dalawa habang lulan namin ang daan. Gabi narin kasi at wala na masyadong dumadaang sasakyan.



Pagdating sa apartment bago ako pumasok ay pinigilan ko siya.

"Seth...pwede ba kitang makausap sandali?" Kinakabahan kong sabi. Huminto ito sa pag-pindot sa password ng pinto.

Nilingon ako at hinarap.

"May sasabihin ka ba sa akin?"

"Ummm...siguro ito na ang tanging panahon para sabihin ko ito sayo. Total naman malapit na tayong gagraduate....Seth...Gusto kita!" Parang binuhusan ako ng isang baldeng tubig sa pagbitaw ng mga katagang binanggit ko. Nagulat si Seth at hindi ito nagsalita.

"Seth...matagal na k-kitang gusto s-simula nung lumipat kayo sa Village at simula yung sabay naghapunan ang mga pamilya natin. Seth hindi lang kita gusto kundi mahal rin k-kita..." Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Sawakas nasabi ko rin ang mga kataga na dapat noon pa ay sinabi kuna sa kanya.

Yumuko si Seth saglit at tinaas ang ulo upang ako'y kanyang titigan.

"Clear... maganda ka. Matalino at mabait na babae...hindi ako karapat-dapat sayo..." Nalungkot naman ang aking puso sa sinabi nito.

"Ano pala ang gusto mo sa isang babae?" Naguguluhan kong tanong. Huminga siya ng malalim.

"Clear, may iba akong gustong babae...sorry..." Tinuon niya ang kanyang mga mata sa paligid. Para din akong sinaksak ng kutsilyo.

"Sino? Maganda ba siya?"  Nanginit ang sulok ng aking mga mata.

"Clear...Sorry hindi kita gusto." Ngumiti ako ng pilit at pinipigilan ang aking sarili na hindi umiyak sa kanyang harapan.

"Kaya ba hindi mo ako magustuhan dahil sa ginawa ni kuya Chad kay ate mo?" Iyon ang hinila ko baka nga si kuya ang dahilan.

"Hindi. Wala itong kinalaman sa kuya mo at sa ate ko. Labas silang dalawa dito." Kalmado nitong pahayag.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now