Chapter 31

13 2 1
                                    

(AUTHOR'S POV)

     
       Nagkaroon ng campus reunion camp ang Yengyang Highschool Academy sa mga nag-aaral sa taong 2012-2015. Ngunit, sa inaakala ng lahat ay buo nilang kaklase sa section ang kanilang makakasama. Sapagkat ang ginawa ng mga guro ay dinaan nila sa pagbunot ng pangalan. Sa isang malaking box nakalagay ang bawat pangalan na nag-aaral sa taong 2012-2015.

Bawat mag-aaral ay bubunot na kung sa anong pangkat sila kasapi. Ang bawat grupo ay may tigsampung tauhan. Hinati ang walong section ng labing dalawang pangkat na embis labing anim. Dahil hindi lahat ay makakadalo. Ang iba abala na sa buhay at may kanya-kanya ng pamilya. Ang iba ay nag-aasawa sa ibang bansa. Ang iba ay naninirahan sa isang malayong lugar. Ang iba ay busy sa kanilang trabaho lalo na ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa na doon si Mitchell.

     Ayaw sana sumali si Cutie pero dahil nga pinipilit siya ng kanyang bestfriend na sila Esoy ay pumayag siya. Namimiss narin niya ang dalawa niyang bestfriend. Simula ng makauwi siya sa pilipinas ay hindi niya man lang nadalaw ang dalawa. Dahil sunod-sunod ang kanyang schedules. After photoshoot ay interview na naman at autograph doon...autograph dito. Busy rin siya sa paggawa ng mga mamahaling damit na ipapadala pa sa states. Ganoon paman ay palagi siyang may oras sa kanyang anak.

             Pagdating niya sa gate ng highschool campus ay naalala niya muli kung paano niya nakilala si Chadwick. Naalala niya lahat kung gaano siya katanga na habul siya ng habol sa lalaking walang pakialam sa kanya. Lahat ng mga alaala kasama ang kanyang mga best friends at kaklase at mga magigiting na mga guro. Sariwa parin ang mga ala-alang iyon sa kanya. Gusto niya bumalik sa dating inosente siya sa lahat. Ngunit...huwag lang sa panahong dinurog siya ng pinong-pino sa lalaking minahal niya mula first year high school hanggang college. Kay haba rin ng taon na tiniis niya ang cold nitong pagtrato. Sapagkat, sa huli ay hindi parin siya matutunang mahalin. Binaonan pa talaga siya ng anak na makapag-paalala sa kanya. Ngunit, sa halip na maalala niya palagi si Chad ay super blissful siya dahil nangangahulugan lamang na hindi siya baog na babae. Mas pursigido pa siya na tuparin ang kanyang mga pangarap para sa kanyang anak.

             Nagpatuloy siya sa pagpasok. Iniwan ang kanyang malaking backpack sa may baggage area at ang dinala papasok ay ang kanyang shoulder bag.

Ang dating binubully siya noon ay mataas na ang tingin nila kay Cutie. Ang iba ay nagpa-autograph pa sa kanya at sabay sabing sorry sa sinabi ko noon. Nagsuot lang naman si Cutie ng lavender bodycon dress long sleeve na below the knee. Pinarisan niya ng white sneakers shoes. Nakalugay lang ang kanyang curl na blondeng buhok. Shoulder bag nito ay lavender parin. Ang nakalagay na cliff sa kanyang buhok ay kulay puti na pearls.

Nabibighani pa sila sa ganda ni Cutie lalo na ang mga kalalakihan na personal muli nila nakita ang dalaga. Center of attraction tuloy siya sa lahat. Naglakad lang ito sa gitna na walang pakialam sa mga nakatingin sa kanya. Dahil ang hinahanap ng kanyang mga mata ay sila Esoy at Ayeng.

        Maging ang mga guro ay nagpapicture din sila kay Cutie. Hindi niya inakala na alam ng lahat na isa siyang modelo. Marami ang nagsasabi na malaki ang pinagbago ni Cutie simula na siya ay pumunta sa states.

Isa na doon ang nagpa-autograph ang dating terror teacher sa mathematics na si Ginoong Lam.

"Ms. Barcelona can i have an autograph to you?" Aniya na nakangiti.

"Hindi ako makapaniwala na malaki na ang iyong pinagbago. Mula sa isang simpleng babae ngayon napakaganda muna." Puri nito.

"Sir walang problema basta kayo." Ngiti din nito at nagpicture silang dalawa. Ang humawak sa phone ay ang ibang guro.

"It's been a long time simula ng ika ay nagtapos sa highschool. Tama nga sila...ang lahat ay may magandang hangganan kapag nagsusumikap.  Higit sa lahat...hindi natin malalaman kung ano ang kinabukasan ng isang tao. Baka ang taong minamaliit mo noon ay isa na palang ganap na presidente. Tulad mo Cutie...hindi ko inaakala na isa kang ganap na modelo at kilala ka sa buong bansa. I'm so proud na naging guro mo ako noon. Patawad sa aking mga sinasabi noon."

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now