01 - The babysitter

697 10 0
                                    



Katelyn.

I watched her as she claps, "Good job Kate! Na-puri na naman tayo dahil sa'yo!" Nahihiya ako sa puri sa'kin ni Ms. Sy. I am just doing my job, Mas'yado lang ata masayahin ang parents ni Janna kanina.

"Thank you so much Ma'am for the opportunity. I will do my best." Almost a year na 'ko rito sa company niya, with the help of my sister Liza. Parehas kaming nakangiti ni Ms. Sy ngayon.

"Expect an increase of salary, Katelyn..."

Napayuko ako para mag-pahayag ng pasasalamat. "Thank you so much po!" Matutuwa mga kaibigan ko lalo na si Liza dahil gusto nilang nililibre ko sila. May extra rin akong mapapadala rin ako kila Mama, at Papa!

"Also, sa'yo ko lang sasabihin muna na there will be a party next month, about our fifth year anniversary. Next week ko pa i-aannounce sakanila." Dugtong niya.

Party? This is a first time na makaka-attend ako ulit ng party. Kahit naman dati hindi na 'ko pala-attend, baka pwede naman sigurong sumubok? Isa pa, sa'kin lang sinabi ni Ms. Sy, ibig sabihin, baka ine-expect niya talaga ako na nandon...As if papayag din mga kaibigan ko.

"So ano na nga? Ikaw na ba ulit ang employee of the month?" Natawa ako sa bungad na tanong ni Liza. Nakita kong lumapit din ang iba pa naming ka-trabaho na kaibigan din namin.

"Nako, sureball na 'yan si bakla.~" Natawa ako kay Ethan dahil pakanta niya pang sinabi 'yon sa'kin.

"Yep! Ako, pupusta ako na si Kate 'yan!" Umiling ako dahil ang saya-saya ng mukha ni Dianne habang sinasabi 'to sa'kin. Hindi ba nila alam na wala namang pagkakaiba ang pagiging normal na employee sa employee of the month? Sweldo lang. Gusto ko tuloy matawa.

"Dahil d'yan bumili ka na ng bagong panty, at bra sa'kin dzai! Mukhang may increase ka!" Nagtawanan kaming lahat dahil hindi na naman nakalimutan ni Ria ang pag-pplug sa mga paninda niya. Ito talaga!

"After ng work lilibre ko na kayo ng dinner...Kaya 'wag niyo na 'ko bolahin!" I jokingly rolled my eyeballs, sabay-sabay naman kaming nagtawanan ulit.

"'Yon!" Nag-appearan silang apat. Haynako, pasalamat sila mabait akong kaibigan. Thank God I met them, through Liza. They're also nice to me, and I know they love me.

"Ria, lista mo na bibili ako ng tatlong bra. Maya ko na kunin sa'yo." Napatili si Ria sa saya, "Naku! Tamang desisyon 'yan, Kate...Kayo ba guys?" Alam kong biro lang na nag-poker face sila, at nag-alisan dahil nga mag-aalok na naman sakanila 'tong si Ria. Ini-pat ko ang ulo nito, at natawa.

"Mamaya mars, ah!" Sigaw ni Ethan, kaya naman nagtanguan kaming lahat, at nagsi-balikan na sa station namin.

I have to go to our next client. Nag-stretching ako, at ginawa ang routine 'tsaka pumunta sa parents' lounge. Some of my workmates greeted me, and I did the same.

"Good morning..."

"Good morning, Ms. Cortez... Mr. Valdez, she will be the baby sitter of Ms. Macy..." Our attendant, Jamie introduced us. Siya ang nag-we-welcome sa guests, and unang nakahahawak ng mga information ng inaalagaan namin.

I smiled, "Good morning, Sir...I am Katelyn Cortez..."

He bowed a little, "Yes, I hope you take care of my child...Thank you so much."

Binuhat ko na si Macy, "Hi Macy, I'm kate, you can call me, Tita kate." Parehas akong ngumiti sa mag-ama, regular na sila rito, but this is the first time that I'll handle her.

"Heyow p..po.. ti..ta.. Ke..yt." Hinaplos niya pa ang mukha ko. Oh! Baby girl, how cute! Babies are created to old human beings happy. Well, that's only for me.

Once A DaydreamUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum