06

1K 47 18
                                    

DUMAAN ang mga araw at ngayon na ang araw ng event, kaya nakaramdam kaagad ako nang kaba dahil ngayon gaganapin ang performance namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DUMAAN ang mga araw at ngayon na ang araw ng event, kaya nakaramdam kaagad ako nang kaba dahil ngayon gaganapin ang performance namin.


Napakabilis ng araw, nung nakaraan na pumunta kami sa Rareview Mall ay gumala at kumain kami.


Hindi rin nila kinalimutan yung fries at cokefloat, hindi talaga sila nag bibiro nung sinabing bibilhan ako.


Gumala kami pagkatapos kumain, naglaro sa arcade at iba pa. Nag picture pa kami, tapos ang mga loko, pinost pa nila sa facebook tapos ang caption pa ay...


'Dating our Girlbestfriend.'

'Chillin' with mah friends.'

'Homies'

'Already done to our practice.'

'Goodluck to our performance.'


Mga caption nilang dinumog ng lahat, kaniya-kaniya silang post pero lahat ay dumog, ang tinde pa at sinama pa nila ako sa tag.


Ini-story ko nalang ang picture namin kesa i-post at baka dumugin rin ako at punuin ang newsfeed ko ng mga bash nila.


Ang inaalala ko that time ay makita ni Karina ang pictures namin, lalo na't mukhang friends silang lima kay Karina sa facebook.


Tapos nung nakaraan lang rin ay minayday ni Russel ang picture naming dalawa, as in KAMING DALAWA lang sa picture na 'yon.


Yun din ang araw na gumala nga kami sa RareView Mall.


Ang tinde ng kaba ko non kasi yung picture na 'yon is parang stolen lang kung saan nasa isa kaming arcade machine tapos naroon ako sa gitna ng mga braso ni Russel.


Habang siya nakasandal yung dalawa niyang kamay sa machine dahil siya yung naglalaro habang ako yung nasa gitna ng mga braso niya?!


Nakaramdam ako ng kilig pero at the same time, kinabahan ng matinde dahil para kaming mag jowa sa picture na 'yon lalo na't stolen 'yon.


Hindi lang 'yon ang nakapagpakaba sa akin dahil apat 'yon sa iisang story lang yung sa instagram na apat yung pwedeng i-picture.


Yung isa nakatingin kaming pareho sa machine, tapos yung nasa gilid non is yung pagbigay niya sa akin ng fries at cokefloat at parehas kaming nakatingin sa isa't-isa.


Yung nasa baba naman ay nakaupo kaming parehas habang nag uusap at nakangiti sa isa't-isa, tapos yung sa kabila naman is yung nasa machine ulit kami pero nakatingin na kami sa isa't-isa at sobrang LAPIT NG MUKHA NAMING PAREHAS.


Kung titignan mo sa picture na 'yon ay parang mag jowa kaming pareho, kupal kasi si Ryle e! Hindi ko alam na kuha siya nang kuha ng pictures sa amin.


Shattered ChordsWhere stories live. Discover now