1) Doña Geronima Cave

64 7 0
                                    

Kabanata 1 – Donya Geronima Cave

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 1 – Donya Geronima Cave

Setyembre 6, 1940, Pasig

Biyernes, alas-tres ng hapon sa Barangay Bambang ay mayroong nakatayong isang tindahan ng mga iba't-ibang klase ng mga bestida. Sa loob nito ay may pangkat ng kababaihan ang namimili ng makukulay, magagara at bagong mga bestida. Ang tindahan na ito ay pagmamay-ari ni Mama Pacita. Isa siyang matandang ginoo na may pusong babae at ang kaniyang edad ay nasa animnapung taong gulang na. Matangkad at may katamtamang pangangatawan, at kahit unti-unti nang lumalabo ang kanyang mga mata dahil sa katandaan ay nakakapagtahi pa rin ito ng hindi bababa sa sampung bestida sa isang araw.

Nagkukumpulan ang mga dalaga sa kanyang tindahan sapagkat nabalitaan ng mga ito na mayroong mga amerikanong sundalo ang magtutungo muli sa lungsod ng Pasig. Bukod kasi sa pagliliwaliw o pamamahinga ay naghahanap din ang mga ito ng dalagang Pasigueño na maaari nilang mapangasawa at mapag-iwanan ng kanilang mga kayamanan kung sakali mang sila ay muling sasabak sa gyera. Iilan sa mga dalagang Pasigueño ay nais ding makapag-asawa ng mga sundalong banyaga.

Dati, kahit na mag-isa lamang sa buhay si Mama Pacita ay hindi hinayaan ng Panginoon na magpatuloy siya sa pag-iisa sapagkat biniyayaan sya ng tatlong maria.

Ito ay sina Olivia Agueda, Anatolia Hipolito at Daria Cosme. Kahit na hindi galing sa kanya ang mga ito ay tinuturing na niyang tunay na mga anak ang tatlong dalaga. Kahit na kung minsan ay sumasakit ang kanyang ulo dahil sa pagiging pilya, maingay, at katigasan ng ulo ng mga ito ay mahal na mahal pa rin nya ang kaniyang tatlong maria. Katulong ni Mama Pacita ang tatlo sa pagbabantay at sa pagtatahi ng mga bestida.

"Ako ang nauna sa bestida na ito!" may panglilisik na ani ng bilugang babae sa payat na babae.

"Manahimik ka riyan! Ako ang nauna kung kaya naman ay akin na 'yan!" bulyaw naman ng payat na babae sabay hablot sa bestida. Ang bestidang kanilang pinag-aagawan ay isang kulay pulang v-neck na shirtwaist dress na hanggang lagpas ng tuhod. Ang tela nito ay silk at may mga maliliit na puting floral print. Masasabing kahit na sinong babae ang magsuot nito ay babagay dahil sa hindi pangkaraniwang disenyo at ganda nito.

Hindi mapigilang mapataas ang kaliwang kilay ni Olivia nang marinig niya ang bangayan ng dalawang babae na nag-aagawan sa iisang bestida.

Si Olivia Agueda ay magda-dalawampu't apat na taong gulang na sa Desyembre. Balingkinitan ang kaniyang pangangatawan at ang itim na buhok nito ay naka-glamour waves na binagayan ng kaniyang kayumangging balat na kinaiinggitan ng lahat. Halos lahat ng nakakakilala sa dalaga ay umiiwas at natatakot sapagkat mayroon itong manipis na pisi ng pasensya. Kaya naman ay palihim siyang tinatawag na babaeng toro.

Ninanais pa naman niyang makabenta ng pitong bestida ngayong araw. Sa tuwing sila ay nakakabenta ng mahigit pitong bestida sa isang araw ay binibigyan sila ni Mama Pacita ng sampung porsyentong komisyon na kanilang pinagbentahan. Ito ang dahilan kung bakit niya inuunahan si Daria na makadami lalo na't mabilis itong nakakabenta ng mga bestida.

AwangganWhere stories live. Discover now