2) Tulay ng Bambang

24 2 0
                                    

Kabanata 2 - Tulay ng Bambang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 2 - Tulay ng Bambang

"Binibini, nais mo ba akong pakasalan?" nang marinig ni Olivia ang mga salitang binitawan ni Archangel ay agad nag-initan at nagkuluan ang dugo sa kaniyang buong katawan. Tinapik nya nang malakas ang kamay ng binata na nais sanang makipagkamayan sa kaniya. Dali-dali siyang naglakad papalayo rito.

Napapikit na lamang siya sa sobrang inis nang makalimutan niyang bitbitin ang garapon ng gatas na pinahiram lamang sa kanya ni Tatay Selyo. Kinakailangan niya rin itong isauli agad sapagkat kinabukasan ay muling magbebenta ng mga gatas si Mang Berto na dalawang beses lamang sa isang linggo kung maglako. Nais ni Tatay Selyo na pakyawin ang mga gatas para sa binatang maninirahan sa bahay nito.

Bago tuluyang lisanin ni Olivia ang lugar ay muli siyang napalingon kay Archangel. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil tinatahak din nito ang daan na kaniyang dinaraanan kung kaya mas binilisan pa niya ang kaniyang paglalakad.

Napangisi si Olivia sapagkat baguhan pa lamang ang lalaki sa kanilang lugar at hindi pa nga siya nito kilala ngunit agad siya nitong inalok ng kasal.

"Ha! Akala niya ay mauuto niya ako! Hindi ako katulad ng ibang babae na desperada na maghanap ng mapangangasawa!" matigas na wika ni Olivia dahil hindi gumana ang tirada ng binata sa kaniya.

Dali-daling pumanhik si Olivia sa kanilang tahanan at nadatnan niya si Mama Pacita na abalang sinisindihan ang mga gasera na nakapatong sa mga kahoy na lamesa. Natanaw niya sa sala si Anatolia na abalang-abala sa pagsusuklay ng buhok ni Daria na nagpapaganda ngayon sa harapan ng salamin.

"Olivia, nariyan-" hindi natuloy ni Mama Pacita ang kaniyang sasabihin nang senyasan siya ni Olivia na huwag lumikha ng anumang ingay sapagkat balak nitong gulatin sina Anatolia at Daria na ngayon ay nagtatawanan na. Napailing na lamang si Mama Pacita nang makita niyang dahan-dahang nagtutungo si Olivia sa likuran ng dalawang dalaga na para bang isang ninja. Mag-uumpisa na muling mag-ingay ang bawat sulok ng kaniyang tahanan. Hinayaan na lamang niya ang mga ito at nagtungo na sa kusina upang ihanda ang kanilang kakainin para sa gabihan.

"May butiki!" panggugulat ni Olivia sa dalawa. Napahawak na lamang siya sa kaniyang tiyan nang makita niyang natumba si Daria sa sahig na inakala ay nalaglagan ng butiki.

"Susmaryosep ka, Ate Olivia! bakit ka ba nanggugulat?" tanong sa kaniya ni Daria. Pinapakalma naman siya ni Anatolia sapagkat tila ba ay lalabas ang kaniyang puso sa kaniyang katawan. Sa kanilang tatlo ay si Daria ang napaka-nerbyosa.

"Hayaan mo na lamang si Ate Olivia. Marahil ay may nakasalubong siyang isang makisig at maginoong lalaki kung kaya ganyan na lamang siya kasaya," panunukso ni Antolia sa kaniyang Ate Olivia. Biglang kumunot ang noo ni Olivia nang maalala niya ang binata sa pampang ng ilog kanina.

"Alam niyo ba! mayroong nag-alok sa akin ng kasal kanina sa tabi ng ilog," naiiritang kuwento ni Olivia. Marahan niyang tinulak ang dalawa dahil sobrang lapit na ang mga ito sa kanya upang makisosyo. Agad namang sumilip si Daria sa bintana upang tingnan ang tabi ng ilog ng Pasig dahil natatanaw lamang nila ito mula sa kanilang bintana. Nagbabakasakali na masulyapan ang binatang tinutukoy ni Olivia.

AwangganWhere stories live. Discover now