4) Ilog ng Pasig

24 7 0
                                    

Kabanata 4 – Ilog ng Pasig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 4 – Ilog ng Pasig

Halos matanggal sa pagkakakabit ang pintuang yero ng paliguan nina Olivia nang isara niya ito nang pabagsak. Agad niyang kinuha ang tapis na nakasabit sa batong dingding at nang suotin niya ito ay saka hinubad sa loob ang suot niyang kulay puting blusa na kaniyang paboritong suotin at pati ang kaniyang trouser na kulay asul. Ang kanilang banyo ay walang bubong kung kaya hindi sila maaaring maghubo't-hubad at kinakailangan nilang magsuot ng tapis. Napabuntong hininga na lamang si Olivia nang makita niya ang kaniyang basang suot at may mga hibla pa nito ng waterlily.

Hindi na nga maganda ang takbo ng kaniyang buhay ay mas lalo pa ata itong magiging impyerno nang dahil kay Archangel.

Napapadyak na lamang si Olivia sa inis nang makita niya ang batsa na hugis tansan na walang laman ng tubig. "Daria!" galit na sigaw ni Olivia sa pangalan ng kaniyang kinakapatid. Si Daria kasi ang nakatoka sa pag-iigib ng tubig at mukhang inuna pa nito ang paglalakwatsa.

Napahinto siya sa pagmamaktol nang marinig niya ang mahinhin na pagtawag sa kaniya ni Anatolia. "Ate Olivia, ito ang tubig."

"Akin na iyan, Anatolia at baka ika'y mabinat pa," agad kinuha ni Olivia rito ang buhat-buhat nitong kulay asul na tubigan. Kagagaling lamang ni Anatolia sa lagnat at mukhang mabibinat pa ito dahil sa katamaran ni Daria.

Namayat si Anatolia ngunit mas nangingibabaw pa rin dito ang kahali-halinang kagandahan. Maraming lalaki ang nagkakandarapa rito. Bukod kasi sa mayumi, mayroon pa itong tinataglay na kagandahang asal at matalino rin. Hindi na rin nagtataka ang lahat kung bakit may mga binata ang palaging nagpupunta tuwing gabi sa tahanan nina Mama Pacita upang mang-harana kay Anatolia na nagiging dahilan nang pagkainggit ng ilang dalaga.

Hindi binibigyan ng atensyon ni Anatolia ang mga binatang nanliligaw sa kaniya. Iisang lalaki lamang ang nagmamay-ari ng kaniyang puso at ito ay si Anghel na kanyang kababatang matagal na niyang hinihintay at iniibig.

"Ate Olivia, kumusta nga pala si Anghel? Naumpisahan mo na ba siyang ilibot sa Pasig?" nasasabik na tanong ni Anatolia sa kaniyang Ate Olivia na abalang nililipat ang tubig sa batsa. Sa panahong ito ay iilan lamang ang mayroong sariling tubig at ang iba naman ay nagtitiyagang nag-iigib sa poso.

"Bakit mo naman sa akin kinakumusta ang iyong kababata? Bukod pa roon ay bakit ko naman siya igagala sa buong Pasig?" pabalik naman na tanong ni Olivia na abalang-abala pa rin sa paglilipat ng tubig.

Naibagsak ni Olivia ang kaniyang hawak na kalahati na lamang ang laman ng tubig at dahan-dahang nilingon si Anatolia na natatarantang naghahanap ng basahan upang punasan ang tubig na umabot ang talsik sa kanilang sahig. Walang anumang salita ang lumabas sa kaniyang bibig at kahit na gusto niyang patigilin si Anatolia sa paglilinis nito ay parang siyang kinagat ng buwaya at hindi siya makagalaw.

Hindi makapaniwala si Olivia na ang kababatang labintatlong taon nang hinihintay ni Anatolia at iniibig ay ang lalaking nag-aalok sa kaniya ng kasal.

Bakit ngayon lamang niya naisip na ang pangalang Anghel ay nahahawig sa pangalang Archangel?!

AwangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon