Tila ba balais at naguguluhan,
Ano nga ba itong nararamdaman?
Nagbibigay ng kasiyahan,
Datapwat patuloy pa ring nasasaktan.Akin kitang sinisinta,
Sa isip labis kitang maipinta.
Nais sa lahat kitang ipresinta,
Bilang aking kaisa isang sinta.Hindi ito pagmamahal,
Hindi ito magtatagal,
Parte lamang ito ng isang kristal,
Ng pagkamusmos na minamahal.Ito'y magiging parte ng aking alamat.
Alamat na matagal isusulat,
Alamat na palaging mag uungkat,
Sa isang baguhang manunulat.
YOU ARE READING
Untold Pages
PoetryIt was never pursued, The words I wanted to tell. This is a mix of English and Filipino poetry. 04/26/23 Book Cover is Illustrated by: Alliah Nathalie Lescano