Tila isang panaginip,
Nagising sa maikling pagkakaidlip.
Nabalik sa aklat na pilit sinisilip,
Aklat na hindi na muling mabubuklat.Aklat na naisulat,
Punong puno ng alamat,
Mga misteryo ng pag irog at
Pag ibig na nga'tPuno ng sakit, kirot at hinagpis.
Ng ligaya, tuwa at tamis,
Mahabang kwentong masasalamin sa aklat
Sa aklat na hindi na muling mabubuklat.Hindi na muling mabubuklat
Sapagkat nag iiwan lamang ito ng sugat
Hindi na muling mabubuklat,
Wala nang bagong isusulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/340392388-288-k444942.jpg)
YOU ARE READING
Untold Pages
PoetryIt was never pursued, The words I wanted to tell. This is a mix of English and Filipino poetry. 04/26/23 Book Cover is Illustrated by: Alliah Nathalie Lescano