#1

4 2 0
                                    

Pusong naiidlip,
Ginising ng iyong pagsilip.
Murang pag iisip,
Binigyang buhay mga panaginip.

Sa pagdilat,
Tanging ikaw tila't,
Tinamaan sa iyong kidlat
Na aking dinadaan sa pagsulat.

Sa tanang buhay
Muli na namang binuhay,
Makatang ako na binaon ko na sa hukay.
Muli mong binigyang kulay.

Hindi mawari
Takot sa maeengkwentrong dalamhati.
Ngunit kung sayo'y kahit puso pa'y mahati.
Kahit di matamasa inaasam na luwalhati.

Untold PagesWhere stories live. Discover now