Naaalala ang lahat,
Mga alaalang kay bigat.
Pilit na binubuhat,
Mga alaalang kay bigat.Nais kong kalimutan,
Sa bawat oras na naaalimpungatan.
Limutin ang lahat ng kaganapan,
Ng mga panahong ating pinagsamahan.Ang lahat ay kumupas na,
Maliban sa mga alaala.
Na ngayo'y humahabol pa,
Nananakit na tila'y kanilang kinaliligaya.Ako'y bumitaw na,
Sana'y ganoon din ang mga alaala.
Nais ko nang lumaya,
Nakikiusap ako'y tantanan na.
![](https://img.wattpad.com/cover/340392388-288-k444942.jpg)
YOU ARE READING
Untold Pages
PoetryIt was never pursued, The words I wanted to tell. This is a mix of English and Filipino poetry. 04/26/23 Book Cover is Illustrated by: Alliah Nathalie Lescano