LHG Chapter 35: We're Here

189 16 1
                                    

Rhiane's POV


*Kinabukasan


Andito na kaming lahat sa Bus, Paalis na kasi kami sa Tagaytay at Uuwi na nang Manila. Mamimiss ko ang Tagaytay :) Noon ayaw na ayaw kong pumunta dito pero ngayon gustong-gusto na dahil dito sa Tagaytay naranasan kong sumaya at mag karoon nang Kaybigan. Dito sa Tagaytay dito nang yari ang Magandang pang yayari samin ni Cylide. Ang First Hug, Yung pag ka-sweet nya at yung naging masaya kami kapag kami mag kasama..


At dito din sa Tagaytay... Naamin kong Mahal ko sya.. *Sigh*


Pero masakit lang dahil ang Ending pala nito ay Hindi Happy Ending.. Sabi ko na nga ba hindi tamang Mahalin sya. Ang Tanga ko din kasi.. Minahal ko sya agad kahit ang Cold nya at kahit ang sungit-sungit nya. Ay ewan! Hindi ko alam kung bakit ko sya nagustuhan. Nakakainis naman!! Tsk!


Oo nga pala, Hindi na ulit bumalik si Cylide sa Tent, Nauna na syang umuwi sa Manila, May Emergency daw kasi eh. Tsk! If i know kasama lang nya yung Girl. Grrr! Bakit ba ako nagagalit? Tsk! Ewan!! Maka tulog na nga lang!


****

"Rhiane, Gising were here.." 

Napamulat agad ako ng Mata nang Marinig ko si Leanna, Marahan nya akong tinatapik sa braso para gisingin.


Pag kamulat ko, Napatingin agad ako sa Binatana, Oo nga andito na kami. Nakita ko din ang mga Classmate ko nag sisiayusan na nang mga Gamit.


Maya-maya tumigil ang Bus at nag sibabaan na kaming Lahat. Tinext ko agad si Mama na andito na ako at Pati din si Mica. Namiss ko agad yun eh. Bukas nga yayain kong mag Mall yun para maka pag Bonding na din kami.


Pag baba namin, Nag paalam na ako kay Leanna, Ivan, Lighte at Arkin. Hindi rin nag tagal nag sialisan na din ang lahat.


Pumara na ako nang Taxi, Papasok na sana ako sa Loob kaso may humawak sa Braso ko. Sa gulat ko napatingin ako at Nakita ko si Lighte.


O_O


Hala? Kala ko ba umalis na 'to?


"L-Lighte..."

"I know you have a Problem. So Let's Go."

Bago pa ako maka pag salita hinatak na nya ako paalis.


Hala, Yung Taxi. Baka sabihin ni Manong nang Ti-Trip lang ako -__-


Nakita ko na lang ang sarili ko na papasok na sa Kotse nya. Sorry Lutang ako, Sobrang Antok at Pagod na ako -__-


Pipikit na sana ako kaso narinig kong huminto ang Kotse kaya napatingin ako kay Lighte "Asan tayo?" Tanong ko sakanya

Hindi sya sumagot bagkus ngumiti na lang sya sakin at nagulat ako dahil binuksan nya ang Pinto ng Kotse saka sya lumabas.


"Baba ka na dyan." Rinig kong sabi nya mula sa labas kaya binuksan ko ang pinto ng Kotse nya at bumaba na din.


Let Her GoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant