LHG Chapter 40: Im Nothing to Him

252 17 2
                                    

Rhiane's POV


@ Fabella University


Wednesday na so Back to School na! Yeheey! Excited na akong makita si Luke! Ewan ko kung totoo yung sinabi nyang sa Monday pa daw sya babalik dito. Basta Excited na ako! ^_^


Nag lalakad na ako sa Carridor pupunta muna ako sa Garden. Tutal naman mamaya pa ang klase ko :) Si Mica mamaya pa daw dadating mamaya pa kami mag kikita.


Pag punta ko sa Garden humiga agad ako sa Damuhan at tumingin sa Langit.


"Ganda ng Panahon!" Masayang sabi ko saka ako ngumiti nang Malapad.


"Mas maganda ka.."


Napatingin agad ako sa nag salita at nakita ko si Lighte ngumiti agad ako sakanya "Hi." Bati ko sakanya

"Hellow. Bakit andito ka?" Saka sya umupo sa Tabi ko. Ako naka higa sya naka upo lang.

"Wala. Mamaya pa kasi ang Klase. Ikaw?"

"Wala lang din, Nakita kita eh."

"Ahh.." Saka ako ngumiti sakanya

"Anong ginawa mo lately?"-Lighte

"Wala lang naman sa Bahay at sa Resto."


Nga pala alam na nyang nag Ta-Trabaho ako sa Resto ni Ivan pati din si Arkin alam na din nila. Nagulat nga ako kasi hindi ko sinabi sakanya pero nalaman pa din nila. Nakakatuwa dahil hindi nila ako hinusgahan parang wala nga lang sakanila eh.


"Ah.. Pwede bang samahan mo ko mamaya sa Music Room?"-Lighte

"Ha? Bakit?" Tanong ko sakanya saka ako umupo.

"Gusto kong tumugtog eh. Wala naman akong kasama. So Pwede ka ba?"

"Ahh Sige. Pwede naman ako. Anong Oras ba?"

"Mamayang uwian." Masayang sabi nya sakin.

"Osige." Ginantihan ko naman sya ng ngiti.


Kapag si Lighte ngumingiti, Parang wala syang Problema tapos ang Cute pa nyang ngumiti kaya nakaka hawa ang ngiti nya eh.


"Rhiane.."

"Hmm?"

"Kapag nasaktan ka... Wag kang mahiyang lumapit sakin ah?" Seryosong sabi nya sakin kaya nag taka ako at tinaasan ko sya ng Kilay.

"Ha?"

"Kapag nasaktan ka.. Kapag umiyak ka.. Ay hindi pala kapag umiyak ka.. Magugulat ka na lang kasi may biglang yayakap sayo at sisiguraduhin ko sayong ako yun." Sabi nya sakin saka sya ngumiti na naman.


"Tanong ko lang, Bakit ayaw mo kong nakikitang umiyak?"

"Kasi.. Nasasaktan din ako.."


O__O


Nagulat ako sa sinabi nya.. Teka bakit sya masasaktan?

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon