LHG Chapter 58: Friendship Over?

249 11 1
                                    


(Rhiane and Mica on the Picture---->) 

******

Rhiane's POV

Kahit ang sama nang pakiramdam ko pinilit ko pa ding tumayo para pumasok. Para nga akong zombie na nag lalakad papunta sa School. Kung hindi naman kasi ako papasok wala din akong kasama sa Bahay, Wala si Mama lumuwas nang Manila. Kaya mas pinili ko na lang pumasok kahit ang bigat nang Pakiramdam ko. Ganun pala yun no? Kapag hindi kayo ayos nang Kaybigan mo... Parang may kulang sayo. *Sigh* Tinext ko kagabi si Mica kaso hindi nag rereply eh. Kagabi pa lang parang pinang hihinaan na ako ng loob na mag kakaayos pa kami. Kahit hindi na kami mag kaayos basta lang ipaliwanag ko sakanya ng maayos kung ano ang nang yayari pero bigo din ata akong kausapin sya eh. :(

[Fabella's University]

Tinignan ko ang relo ko at Nakita kong medyo maaga pa kaya dumiretso muna ako sa Field. Alam ko kasi hindi gaanong pinupuntahan yun dahil tuwing Friday lang ginagamit 'to. Umupo ako sa ilalim ng puno. Buti pa dito napaka tahimik at Maaliwalas ang paligid. Sana ganto na lang lagi.

Habang nag mumukmok ako diti biglang...

*Booogsh*

"Aray ko po!" Daing ko nang biglang may tumama sa ulo ko na isang bola.

"Hays! Aray ko! Huhuhu! Sino bang mag gawa neto? kala ko ba walang tao dito ngayon?" Naiiyak na sabi ko at kinuha ko ang bola na lumanding sa ulo ko.

"Sino bang may ari neto?" Nakakainis ah! Sinira nya momentom ko! Ugh!!

"Asan na yun?" May narinig akong boses galing sa likuran ko kaya napalingon ako. "Hoy bola asan ka na? Gagsti ka ah! Pa-choosy ka pa! Lumabas ka na." Nakita kong nag hahanap sa mga halamanan kaso hindi nya mahanap eh kasi nga nasa sakin ang hinahanap nya eh. -_-

Inanigan kong mabuti kung sino ang lalaki at Nung nakita kong papalapit sya sakin dun ko lang namukhaan kung sino sya.

"Oh? Rhiane?" Tawag nya sakin nang makita nya ako.

Hindi ako sumagot at tuluyan na syang naka lapit sa pwesto ko.

"Why are you here? Mukhang nag-iisa ka ah? Tapos- Oh! Andito pala yung bolang kanina ko pa hinahanap eh! Kala ko nawala na yan. Teka pano to napunta sayo?" Napaka dami talaga nyang tanong eh -_-

"Eh kasi ho, Tumama yan sa ulo ko. Sinira mo ang Momentom ko." Naka Face palm na sabi ko sakanya. Nakita ko namang napatawa sya nang mahina.

"Sorry, Nag So-Soccer kasi ako dun sa kabila eh napalakas ang sipa ko. Sorry."

"Psh! Ano pa nga ba?" Masunget na sabi ko sakanya saka ko binalik ang tingin sa Field.

Narinig ko ulit syang tumawa nang mahina at Naramdaman kong tumabi sya sakin.

"Sorry na nga eh, Galit ka? Hindi ko naman sinasadya eh. Gusto mo lagyan natin ng yelo?" Pangungulit nya sakin kaya napatingin ulit ako sakanya.

"Okey na ako Chan. Okey na."

"Ahh, Kala ko galit ka eh. Sorry ulit." Nakangiting sabi nya sakin kaya napangiti na lang din ako.

"Teka balik tayo sayo, Bakit ka nag-iisa dito?"-Chan

"Wala. Gusto ko lang mapag-isa. Masama ba yun?"

"Woooh! Ganyan ba ang epekto nang natamaan ng bola sa ulo? Nag kaka-mood swings?" Natatawang sabi nya sakin.

"Psh." Then i rolled my eyes. 

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon