TLMP #23- Night Casablanca Magical Flower

18.8K 643 71
                                    


Chapter 23- Night Casablanca Magical Flower

Nylla POV

Naramdaman kong parang ang bigat ng ulo ko. Tsaka parang may basang bagay na humahaplos sa katawan ko. Minulat ko yung mga mata ko. Nakakita ako ng isang babae pero may takip ang buong mukha niya at tanging ang mga mata lang niya ang walang takip. Parang siyang Muslim.

"Gising ka na pala" sabi niya.

P-parang narinig ko na dati yung boses niya. P-parang familiar din yung mga mata niya. Tinesting kong bumangon pero sumakit bigla yung ulo ko. Parang tinutusok ng karayom. Tsk.

"Wag mo muna pwersahin ang katawan mo. Pagod na pagod pa ito. Tsaka may sinat ka pa" sabi niya.

"P-Pano ako napunta dito?" Tanong ko. Naalala ko kasi na nasa malaking puno lang ako at nakaupo at biglang bumigat yung talukip ng mga mata ko. Nahimatay yata ako.

"May isang lalaki ang nagdala sayo dito. Basang basa nga kayo ng ulan pagkarating niyo dito" sabi niya. Kumunot yung noo ko.

"Sino po?" Tanong ko.

"Jared yata ang pangalan niya. Alalang alala nga siya sayo ng pinasok ka niya rito. Kasintahan mo ba siya, iha?" Tanong niya.

Nabigla ako. T-tama ba yung narinig ko? Yung Demonyong yun? Pero parang nakaramdam ako ng saya ng malaman kong siya yung nagligtas sakin.

"Uhh. H-hindi po" sabi ko.

"Iha, may gusto sana akong ipayo sa iyo, kung hindi mo mamasamain" sabi niya. Huh?

"A-ano po yun?" Tanong ko.

"Wag kang masyadong magtitiwala. Kung maari, wag kang makipagkaibigan sa kahit na sino" sabi niya. Napakunot na naman yung noo ko. Anong bang sinasabi niya?

Magtatanong pa sana ako kung bakit pero biglang may kumatok sa pinto. Pumunta naman doon ang babae at pinagbuksan ang kumatok. Bakit parang iba yung pakiramdam ko dun sa babae? Hindi naman siya matanda na. Mga nasa40's? Si Demon yung pumasok.

"Ayos na ba yung pakiramdam mo?" Tanong niya. Tumango ako.

"S-salamat" sabi ko at iwas ng tingin. Ewan. Bigla ko na lang nasabi yun =_____=

"Tsk. Sabi ko naman sayo, wag kang magiging pabigat. Nagkasakit ka pa. Tss, your really weak and stupid" sabi niya. I just rolled my eyes.

"Kaya ka lang ba pumunta dito para laitin ako?" Inis na sabi ko.

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na nagbuntong hininga siya. Aba! Ako na nga itong nagpasalamat sa kanya kahit napakaminsan lang ako magpasalamat, Tapos lalaitin niya lang pala ako! Alam ko namang weak ako dahil nagkasakit agad ako pero hindi ako stupid! -______-

"I-Im just... Im just glad your safe" sabi niya. Tiningnan ko naman siya agad pagkatapos niya sabihin yun. Pero nagiwas siya ng tingin. Nahihiya ba siya? Pfft.

"Hahahahaha!" Tawa ko. Ewan. Nakakatawa kasi yung mukha niya! Hahahaha!

"Tss. Bahala ka nga diyan. Baliw" sabi niya at lumabas na ng kwarto. Nandito pa pala yung babae. Di ko siya napansin kanina.

"Ah iha, lalabas muna ako saglit" sabi nung babae. Tumango na lang ako.

Third Person POV

FOREST.

"Iho, pwede ba kitang makausap?" Tanong nung babae kay Jared.

Sinundan niya kasi ito hanggang sala. Samantalang, natutulog pa ang iba nilang kasama dahil pagod na pagod din ang mga ito. Tanging si Jared lang ang gising dahil hindi siya makatulog. Sa hindi niya malamang dahilan, inaantay niyang magising si Nylla.

The Lost Magic PrincessWhere stories live. Discover now