TLMP #33- My First Love

20K 597 25
                                    

A/N: Gusto ko lang po sabihin na kaya po ako mabilis magUD dahil bakasyon pa po namin. Hahaha. Tsaka di pa po ako busy eh. Minamadali ko na nga pong matapos ito dahil malapit na yung pasukan namin. Haha. Tsaka type lang po ako ng type, parang may sariling mga utak yung mga daliri ko hahaha. Osya, ang haba na po ng AN ko. Tatapusin ko na. Enjoy Reading! Mwuaps! :*

Chapter 33- My First Love

Nylla POV

"Hey, sleeping beauty! Wake up! Today is your first day of training!"

"Uggh! C'mmon, Liam! Im still sleepy!"

"Hoy! 7am na! Bumangon ka na jan or else...."

"Fvck! Eto na, eto na! Babangon na!"

"Ahh, minumura mo ako? Ha?"

"H-ha? Hindi noh!"

"Hindi eh, minura mo ako e. Halika dito"

"W-wag kang lalapit! Hahahahaha! T-tama na! Hahaha! A-ayo hahaha ko na! Hahaha"

Nakakainis si Liam! Umagang umaga kinikiliti na naman ako! Hobby niya talagang mangiliti!

"Oh ayan, buhay na talaga yung diwa mo. Bilisan mo na jan. Sabay na tayo magbreakfast. Nauna na sila Ms. Belle at ang Hari na magbreakfast. Antagal mo kasing magising!" Sabi niya habang papunta na sa pintuan.

"Opo nanay" sabi ko.

"Cge, asarin mo pa ko" sabi niya at akmang susugod na sakin pero nagpeace sign ako sa kanya at lumayo.

"Hindi na! Maliligo na ko! Tsupi na!" Sabi ko at tinaboy na siya sa kwarto ko. Napailing iling na lang ako. Baliw talaga si Liam. Naalala ko tuloy yung mga kalokohan nila Shaina at Tricia. Osige na, namimiss ko na din yung demonyo. Kamusta na kaya siya? Tsk.

**

Kakarating lang namin ngayon ni Liam dito sa Training Room. Nakakabahan ako! Letche. Pano ba gagawin ko? Ni hindi ko nga alam na may controlling ability pala ako. Pano ko makokontrol yung ibang ability kung hindi ko kayang ikontrol yung ability ko? Letche lang.

"Tulad ng sabi ko sayo kahapon, hindi ako maawa sayo. Tutal, alam ko namang may shield kang ability at may healer naman dito" sabi niya. Napasmirk na lang ako. Hindi ako natatakot kay Liam. Eh kung yung demonyo nga, nakayanan ko. Siya pa kaya? Tsk.

"Let's start. Time is ticking" sabi ko. Gusto ko sanang sabihin na dahan dahanin niya muna pero ayoko. Mas madali akong matututo kapag hindi idahan dahan. Yun yung natutunan ko kay Demon. Aiish! Demon na naman! -_____-

Nagpalabas na siya sa mga palad niya ng isang wind hurricane sa direksiyon ko. Nakita kong may matatalim na bagay doon sa hurricane. Parang may air spikes na kasama doon sa hurricane. Kinoncentrate ko yung ability ko at finocus ang tingin doon sa hurricane. Pero bigla itong nawala nang medyo nakalapit na ito sakin. Nagawa ko na ba?

"Tsk. Nasabi na rin sakin ni Madam Sofia kahapon na naadvanced at naenhanced mo na ang ability mo. Kaya nawala bigla ang hurricane dahil tumama ito sa shield barrier mo. Pero hindi mo ito nacontrol. Dahil kapag nacontrol mo ito, unti unti lang ito mawawala hanggang maglaho na ito ng tuluyan at hindi yung basta basta lang agad mawawala" paliwanag niya. Tumango na lang ako at pinagpatuloy na ulit namin yung training.

"Tsk. Mukhang nahihirapan kang kontrolin yung mga tinitira ko sayo. Pano pa kaya kapag sinabi kong kontrolin mo mismo yung ability ko kahit hindi kita tinitira?" Sabi niya. Nakailang ulit na kasi kami ng training at pagod na pagod na talaga ako.

"Tss. Sorry naman ha! First day of training ko palang kasi! Sobrang galing ko naman kung first training palang ay expert na agad ko!" Sarcastic na sabi ko at inirapan siya. Napailing iling naman siya.

The Lost Magic PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ