TLMP #39- Last Chapter

18.4K 524 5
                                    

A/N: Silent Readers?

Chapter 39- Last Chapter

Nylla POV

Nasaan ako? Ang dilim dito. Parang nasa isa akong silid. Nigla namang may lumiwanag sa harapan ko. Isang malaking glass. At nandoon si-- si Demon sa loob.

"D-Demon!" Sigaw ko at lumapit doon sa glass.

Trinry kong suntukin yung glass pero walang nangyari. Ni konting crack, wala. Bigla namang may lumitaw na mga kulay gray na usok doon sa loob. Ubo din ng ubo si Demon hanggang napaupo na siya at mukhang nanghihina.

"N-No! Demon, ilalabas kita diyan! Sandali lang! W-wag kang bibitaw!" Sigaw ko at buong lakas kong pinagsusuntok yung glass. Pero ako lang yung nasasaktan. Puro dugo na yung mga kamao ko hanggang mamanhid na ito. Pero wala akong pakialam! Kailangan ko siyang ilabas doon sa glass!

"D-Demon! Please, don't give up" sabi ko ng paulit ulit. Unti unti na kasi siyang pumipikit. Wala rin akong lakas. Pinagsisipa ko na rin yung glass pero ayaw pa rin mabasag.

"Shit! Demon! *sniff* Gusmising ka! Wag kang matulog, please. Demon! *huk* w-wag mo kong iiwan, please *sniff* H-Hindi ko kaya *huk*" sabi ko at napaupo na lang dahil ginamit ko na yata lahat ng katawan ko at lakas ko para mabasag yung glass pero wala pa rin. Im so damn weak and a crybaby. Im useless. Pero bago siya tuluyang makapikit, He say the words that broke my heart that beats my heart faster before. I became happy when I hear those words to him but right now, It saddens me to death.

"I love you"

"Nylla! Ano bang nangyayari sayo?! Gumising ka!"

Napahiga ako sa kama bigla. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin na basa yung mga pisngi ko. Tumingin ako sa gilid ng kama, nandoon si Liam na mukhang sobrang nagaalala.

"A-anong nangyari sayo?!" Tanong niya na halatang natataranta.

"S-si Demon? N-nasan siya?" Tanong ko. Bigla naman nagbago yung ekspresiyon ni mukha niya.

"Uhh. Umalis na siya kagabi. Bumalik na siya sa Dream High. Bakit?" Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.

"Ah, wala" sabi ko at pumikit. Pinunasan ko din yung pisngi ko na basa.

"Tsk. May surpresa ako sayo sa baba" sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Surpresa? Anong meron?" Tanong ko. Tumawa naman siya ng mahina.

"Basta. Siguradong matutuwa ka kapag nakita mo siya" sabi niya na mas ikinanuot ng noo ko.

"Siya? Edi tao yung surpresa mo?" Tanong ko.

"Yup. Kaya dalian mo na jan, baka mainip na siya sa kakahintay sayo" sabi niya at nagsmirk. Lumabas na rin siya ng kwarto pagkatapos. O-okay?

**

Kakalabas ko lang ng kwarto ko. Papunta na ako sa baba para tingnan kung sino yung surpresa sakin ni Liam. Pagkababa ko sa staircase, sinabi nung isang maid na nasa Dining Hall daw yung bisita/surpresa sakin ni Liam kaya pumunta na akong Dining Hall. Pagkapasok ko, may isang nakatalikod na babae ang una kong nakita.

"M-mama?" Tanong ko. Unti unti namang humarap sakin yung babae at tama nga ako, si mama nga. Mabilis akong napangiti at niyakap siya ng mahigpit.

"M-mama, p-paano ka nakarating dito? D-Diba hawak ka ng mga Wagners? Tsaka sinaktan ka ba nila?" Sunod sunod kong tanong ko kay Mama. Naramdaman ko namang tumawa siya ng mahina.

The Lost Magic PrincessWhere stories live. Discover now